NAALIMPUNGATAN si Symon nang tamaan ng sikat ng araw ang mukha niya. Masakit na iyon sa balat. Bumalikwas siya ng bangon. Nag-iisa na lang siya sa kuwarto ng resort. “f**k!” usal niya at nagmamadaling nagbihis. Parang mababasag ang ulo niya sa sobrang sakit. Paglabas niya ay napakatahimik ng paligid. Pagdating niya sa lobby ng resort ay nadatnan niya si Erman at Rena na magkayakap sa couch. Mahimbing pa ang tulog ng mga ito. “Nice, mukhang hindi lang ako ang biktima ng party,” aniya. Hindi na niya inabala ang dalawa. Nanggigigil siya kay Rafael. Nag-teleport siya patungong academy. Naramdaman niya ang aura ni Rafael sa laboratory one. Sumugod siya roon. Nang makita nito itong kausap si Alessandro ay nilapitan niya ito at hinaklit ang balikat sabay sinuntok sa pisngi. Tumalsik si Rafael