HINDI makapag-decide si Rebecca kung ano ang isusuot niyang damit. Isang oras na siyang naghahanap ng maisusuot. Kailangan bago dumating si Symon ay nakapag-ayos na siya. Sa kakapili niya ng pormal na damit ay nakuha niya ang kulay pulang dress na backless at hanggang puno ng hita ang slit. Inilugay lang niya ang mahaba niyang buhok. Pinahiran din niya ng mapulang lipstick ang mga labi niya at nagpahid ng face powder. Isinuot niya ang three inched red sandals niya. Titiyakin niya na aangat sa lahat ang ganda niya. Maya-maya ay may kumatok sa pinto. Nataranta siya nang maisip na baka si Symon na iyon. Binuksan kaagad niya ang pinto. Nakatayo si Symon sa labas. Puting polo lang ang suot nito na nakabukas ang dalawang botones sa itaas at maipis na bughaw na maong short pants. Rubber shoes l