PAGKATAPOS ng klase sa umaga ay dumeretso si Rebecca sa dirty kitchen. Naroon si Serron, na nagluluto ng mga pagkain. Ngayon siya naingganyong magpaturo rito magluto ng kakaibang pagkain. “Wala ka bang pasok?” tanong ni Serron. “Tapos na. Wala kaming guro mamayang hapon,” nakangising sagot niya. Humugot siya ng lakas ng loob para humingi ng pabor sa ginoo. “Sir, turuan mo naman ako ng kakaibang lutuin,” aniya. “Sige. Ano ba ang gusto mong lutuin?” “Gusto ko seafood naman. Doon ako nahihirapan. Actually hirap ako sa lahat pero seafood talaga ang gusto kong matutunang lutuin. Kahit anong recipe.” Naalala kasi niya na palaging dinadalhan ni Aria ng iba’t-ibang putahe ng seafood si Symon. “Gusto mo ba ng seafood gulaman?” tanong ni Serron. “Paano po ‘yon?” “Kailangan lang natin ng plane