Chapter 8

2552 Words

PAGKATAPOS ng isang oras na meeting ay bumalik sa food center si Symon. Uminit na naman ang bunbunan niya nang makita si Rebecca na kasama si Jared sa iisang lamesa. May pinapapak na sinangag na mani ang mga ito habang komportableng nag-uusap. Kilala niyang palakaibigan si Rebecca, at halos lahat ng lalaki sa academy ay kasundo nito. Ngayon lang siya hindi komportable na may bago itong kaibigang lalaki. Wala siyang nakuhang negatibong imporasyon tungkol kay Jared pero hindi niya maintindihan bakit ang bigat pa rin ng loob niya rito. Marami ang nagsasabi na mukha itong mabait pero pakiramdam niya, may mali sa lalaking ito. O baka naman siya ang may problema? Nasa bukana pa lamang siya ng pintuan ay naririnig niya ang malakas na tawa ni Rebecca. Masaya ito habang kakuwentuhan si Jared. Hin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD