vi. siblings

1140 Words
Nathan hugs his little sister and that's quite new to him. Mainit sa pakiramdam ang saglit na yakap na iyon. Nanunuot sa malamig niyang balat papunta sa nagyeyelo niyang kaluluwa. It feels so strange all of a sudden. Hindi niya alam kung kailan ang huling alaala niya ng isang matinong yakap. For a moment, he wants to stay there on her arms. Because he needs this. Because he badly wants to feel okay. To feel sane. To be accepted. Ang kapatid ni Nathan ang isa sa mga nilalang na nakakapagbigay sa kaniya ng katinuan. And he has missed her so much. Ilang taon na rin ang nakalipas nang maging reyna ng Yuteria ang kaniyang kapatid na si Diara. Mas kilala na 'to ngayon sa pangalang Snow White sa mundo ng fairytales. Malaki na ang pinagbago ng tadhana nito, na taliwas ng kaniya na wala na yatang pag-asa pa. Kahit na gano'n, masaya si Nathan sa sinapit ng kaniyang nakababatang kapatid. He lets her go. "What brings you here, Kuya?" she asks, wearing that perfect smile on her face, like she usually does. "Miss mo na ba ako kaya ikaw mismo ang nagpakita?" He arks his brow. He has a lot to say, pero mas pinili niyang maging kalmado katulad na nang nakasanayan na ng lahat . . . at nakasanayan niya rin. She laughs at him. He keeps it cool. "Hindi ka pa rin nagbabago, Kuya!" Gano'n din naman ito. Wala pa ring pinagbago. She is still the fairies of them all. "Naligaw ka yata sa mundo ko," dagdag pa nito, sabay nilingon ang kasama-kasamang babae ni Nathan. "At may kasama ka na hindi ko inaasahang nilalalang." Nawala ang ngiti sa mga labi ng kaniyang kapatid. Palipat-lipat naman ang kaniyang paningin sa pagitan ng dalawang babae. "Reyna Xoria," seryosong banggit ng kaniyang kapatid. "Reyna Snow White," sagot ng kaniyang katabi. "Kuya?" Napatingin ang magkapatid sa babaeng medyo naguguluhan. "Magkapatid? Akala ko ba ang Snow White ay bugtong-anak ng reyna?" "Ampon lang siya. Nakita ko sa basurahan. At kinupkop namin." Sa sobrang seryoso ng pananalita ni Nathan, bahagyang natawa si Snow, sabay hampas sa kaliwa niyang braso. "Ang tanyag na reyna ng Wonderland," bati ng kaniyang kapatid sa babaeng kasama ni Nathan. "Nakakagulat na makita kita rito sa aking kaharian. Subalit, mas nakakagulat na makita kayong magkasama ng aking kapatid." Punong-puno ng pagtataka ang mukha ni Reyna Xoria. Hindi iyon makakatakas sa paningin ni Nathan. "Kapatid? Kanina niyo pa binabanggit 'yan. Nagkaroon pa ng bastardong anak ang hari?" Si Nathan naman ang napakunot ang mukha. Nakaramdam siya ng insulto nang wala sa oras. "Dahan-dahan sa pananalita mo." Nawalan lang siya ng karapatan, pero kailanman ay hindi siya naging bastardo. "Papatayin mo rin ba ako?" Seryosong tanong ni Xoria, na siyang dahilan ng pag-iiba ng mood ni Nathan. "May mapapala ba ako kung makikisawsaw ako sa problema ng ibang problema?" mabilis at kalmadong sagot ni Snow. Napabuntong-hininga si Nathan. Sa isang iglap, saka lang niya naisip ang sitwasyon. Hindi maganda ang reputasyon ng reyna ng Wonderland sa iba't ibang panig ng fairytale world. "Tinutugis ka ng iba pang kaharian, reyna ng Wonderland," pag-ri-remind ng reyna ng Yuteria. "Hindi magandang makita tayong nag-uusap rito. Tara sa loob." "Kapag sasama ako sa 'yo, paano ko makasisigurado ang aking kaligtasan?" "Hindi, Kamahalan," pailing-iling na sagot ng kaniyang kapatid habang siya ay nanatiling tahimik lang. "Ikaw ay magiging panauhin ko." Nakahinga si Nathan sa sagot ni Snow. Tumango rin ang reyna ng Wonderland. "Ikaw ay namin kaaway, subalit hindi ko rin masisigurang kaanib. Hanggang wala kang gagawin na kakaiba sa aking teritoryo, ako'y mananahimik din." Nagtanguhan ang dalawang babae. Napalingon siya sa mukha ng kasa-kasama niyang reyna. Nakapokus ang kaniyang atensiyon doon. Akala ni Nathan na makikitaan niya si Xoria ng kaunting saya sa mukha, subalit nabigo lamang siya. Her face has no expression at all. Hindi niya ito nakikitaan ng kahit anong emosyon man lang. And somehow, Nathan finds it strange in a way that he begins to ask for more questions about her. Sa sobra niyang pokus sa mukha ni Xoria, saka niya nakita ang pilyang ngiti ng kaniyang kapatid, bago muling hinarap ang reyna. "Oo nga pala, ipapaliwanag ko lang ng maigi. Kami'y magkapatid sa ibang dimensiyon at hindi rito." "Ang ibig mong sabihin -- " "Kung anuman ang iniisip mo ngayon, ito'y totoo," pagputol ni Snow White. "Subalit, ikinalulugod ko kung hindi natin ito pag-uusapan sa pampublikong lugar. Halika ka. Pumasok na muna tayong lahat sa aking palasyo." Walang magawa si kung 'di ang sumunod. "Pasensiya na, pero hindi kayo pwedeng makita ng mga Yuterian dito." Nasa harapan si Snow White. Naglalakad. Kasunod niya si Xoria. At nasa hulihan naman si Nathan. Dumaan silang tatlo sa kakaibang tunnel na gawa sa mga natatanging mga halaman. Madilim. Halos ay wala na silang naririnig, maliban sa kani-kanilang mga yabag sa sahig. Nathan hates darkness, even if he -- alone -- is the dark, itself. "Malayo pa ba 'to?" iritable niyang tanong. Tinawanan na naman siya ng kaniyang kapatid. "You still haven't changed, Kuya. Malapit na tayo. Sa sobrang lapit, hindi mo na kailangan pa ang powers mong mag-teleport." Yeah.. As if he has it now.. Wala sana siya rito sa madilim na lugar na ito. "Oh! Nandito na pala tayo!" bulalas ng reyna. Akala ni Nathan ay babagsak ang tunnel sa isa sa mga silid ng palasyo, subalit mali ang kaniyang iniisip. Wala sila sa loob, kundi nasa labas pa rin. Napatingin silang dalawa ni Reyna Xoria sa kabuuan ng lugar. Napapaligiran ito ng mga puno na may iba't-ibang kulay ang mga bunga. May mga bulaklak na animo'y repleksiyon ng fireworks sa kalangitan. At kahit ang tinatapakan nilang lupa ay pawang may mga neon lights na nagliliwanag. Kamangha-mangha. Para silang nasa kalagitnaan ng kagubataan. "Ito ang paborito kong lugar sa palasyo," pagmamalaki ni Snow White. "Wala tayo sa labas kung 'di ay nasa loob mismo. Nasa pinaka-sentro ito ng aking kaharian. At tanging piling nilalang lamang nakakapasok." "Magsasabi na ba ako sa 'yo ng salamat? Isang karangalan?" sarkastikong tugon ni Nathan. Hindi siya kinibuan ng kaniyang kapatid. Hindi rin nakaimik si Xoria. Gumalaw ang mga halamang yumayakap sa bawat puno, at kusa itong bumuo ng duyan na pwedeng upuan. At iyon nga ang ginawa nilang tatlo. "Ayoko nang magpaligoy-ligoy pa. Tumatakbo ang oras. Bakit kayo naparito?" Nagbago ang ekspresiyon ni mukha ni Snow White. Bago pa man maisip ni Nathan kung ano ang tumatakbo sa utak ng kaniyang kapatid, nabatukan na siya nito sa ulo. Sa sobrang lakas, nanlaki tuloy ang mga mata ni Xoria, habang siya, napahimas ng wala sa oras sa parte ng kaniyang ulo na kumikirot sa sakit. "Damn you!" She yells. "Bakit mo binitbit ang reyna na gustong sirain ang kaharian ko? Siraulo ka ba, Kuya?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD