Mabilis ang pagbabago ng mood ng lahat. Nagkaroon kaagad ng masidhing tensiyon sa pagitan ni Nathan at ng kaniyang kapatid.
This is no longer his little sister, but a queen who has obligations and a kingdom to protect with. And he just brings an unwanted guest inside of her walls.
"Isa ka bang traydor, Kuya Nath?" Nanlilisik ang mga mata ni Snow White na nakapokus sa kaniya. "Tinutulungan mo ba ang reynang wala ng kaharian? Nandito ka ba para sakupin ang Yuteria?"
What the hell!
"Ano ba 'yang pinagsasabi mo?" he asks. Pinipilit niya pa ring kalmado. "Paano mong nasasabing kaya kong traydurin ang sarili kong kapatid? Are you out of your mind?"
"No, brother. You are. Ikaw 'tong may bitbit na lason na kayang kumalat sa kung saan-saan."
Napansin ni Nathan na si Xoria ang pinaparinggan nito. At batid niyang aware ang reyna ng Wonderland kung ano ang ibig ipahiwatig ng sitwasyon. Maski ito ay naghahanda na rin ng pakikidigma.
Kapwa ang dalawang babae ay sabay-sabay nagpailaw ng tattoo na korona sa kanilang mga noo. At hindi iyon nagustuhan ni Nathan.
"Calm down!" hiyaw niya, sabay pumagitna sa dalawa. "This isn't the right time for this."
Akala niya ay ayos lang ang naging sitwasyon. Na ayos lang na dalhin ang reyna ng Wonderland sa Yuteria. Na mas madali siyang makakalusot sa gusto na 'to. Na mas madali siyang maunawaan at makahanap ng tulong. Iyon pala ay kabaliktaran ang nangyayari.
This is no time to feel calm.
"Come here, Kuya Nath. Iwan mo ang reyna na iyan. Walang magandang maidudulot sa 'yo ang pagsasama sa tinutugis ng batas."
He badly wants that, too.
Pero hindi sa ganitong sitwasyon.
"At hindi ko kailangang makinig sa isang reynang magaling mag-alipusta at pumuna ng walang kinukuhang basehan. Kaya sino ngayon sa ating dalawa ang walang kuwenta?"
"Nagsalita ang reynang walang pakialam sa sariling nasasakupan. Saka mo na masabi-sabing may kuwenta ka kung hindi ka na isang pabayang reyna!"
Walang magawa si Nathan nang nagsimulang magbatuhan ng kaniya-kaniyang kapangyarihan ang dalawa. Nagpakawala ng pana ang kaniyang kapatid na mabilis din namang nasangga ni Xoria. Liksi sa liksi, kapangyarihan laban sa kapangyarihan, nagsimulang bumilis ang ihip ng hangin.
Sumugod ang reyna ng Wonderland. Si Snow White naman ay nasa defense position. Napailing-iling si Nathan. This is just too much to take.
Bago pa man makalapit si Xoria ay nahawakan nito ang beywang at pinatigil sa pagsugod.
"Magsitigil kayong dalawa! Hindi kayo nakakatulong sa sitwasyon! Stop this at once!" Walang magawa si Nathan kung 'di gamitin ang kaniyang kapangyarihan at inihagis ang mga lightning bolts papaikot sa kaniyang kapatid habang si Xoria naman ay hindi pa niya binibitiwan.
Binitiwan niya ang reynang estranghero sa kaniyang buhay at mabilis na nilapitan ang kaniyang kapatid.
"Geeez! Woman! Calm down. Nagkataon lang ang lahat. Hindi 'to planado!" pagpapaliwanag niya.
Napahalumikipkip si Snow sa kaniyang harapan. Salubong ang mga kilay habang nakatitig sa kaniya. "And you expect me to believe that? Look what you did to me?"
"Wala akong kasalanan dito. You made me do this. Ayaw mong makinig," aniya. Kung may kasalanan man sa kanila, walang iba iyon kung 'di ang reyna ng Wonderland na binubuntutan siya. Pero, tinikom na lang ni Nathan ang kaniyang bibig. "Aksidente ang pagpunta ko sa mundong ito. Aksidente rin na siya ang una kong nakita. Look... I need your help."
Mahirap man bigkasin, pero nagawa niya. He shall congratulate himself for a job well done. He actually admits that he needs her help. And for that, parang kumalma si Snow White sa kulungang yari sa kidlat.
"What do you need?" tanong sa kaniya na mas kalmado na.
"May kakaiba sa mundo niyo, Diara. Hindi gumagana ang iba kong kapangyarihan. Hindi na rin ako makapag-teleport mula rito hanggang sa mundo ng mga mortal. Something is going on, and I have to know what it is."
Tuluyang nang naging seryoso ang mukha ni Snow White lalo na kung ang dati nitong pangalan ang nabibigkas ni Nathan. "So, nangyayari din pala sa iyo ang nangyayari sa akin ngayon."
"Ano'ng ibig mong sabihin?" pagtataka niya.
"Ano ba sa tingin mo ang dahilan kung bakit hindi pa ako nakakabasyon sa mundo ng mga tao?"
Come to think of it, ilang buwan na ring hindi nakakarating ito sa mundo ng mga tao.
Hindi nakapaniwala, gusto niyang i-clarify, "Nawala rin ang iyong kakayahan?"
Tumango-tango ang kaniyang kaharap. "Isang taon na. At hanggang ngayon, hinahanap pa rin namin ang puno't dulo nito. Hindi namkn alam kung ang kaharian lamang ng Yuteria ang nagkakaroon ng ganitong sitwasyon, o pati iba pang kaharian. Iniimbestigahan pa namin ito hanggang ngayon. Sa ngayon, hindi kita matutulungan. You are stuck in this world, brother."
Shit!
Napapamura si Nathan sa kaniyang isipan.
Hindi maaari! Marami pa siyang kailangang gawin sa kabilang mundo. May gusot pa siyang kailangan ayusin sa pagitan niya at ni Claire. At wala siyang balak na magpa-stuck sa isang lugar kung sa umpisa pa lang ay hindi na niya kagustuhan. Dismiyado si Nathan sa kaniyang narinig. Akala niya, makakabalik na siya sa bahay niya. Akala niya, hindi siya magtatagal sa mundo na ito. Akala niya, kaya niyang takasan ang medyo baliw na reyna ng Wonderland. Hindi pa nga niya alam kung ano ang nangyayari, mas lalo lang din siyang naguguluhan sa kasalukuyang problema.
"Gawan mo 'to ng paraan," utos niya sa kaniyang kapatid. "You're a queen. You can do that so that easily."
"Stupid!" Bulyaw sa kaniya ni Snow. "Hindi mo pa narinig ang mga sinabi mo? Hindi lang ikaw ang nawalan ng kakayahan dito. At isa pa, pakawalan mo nga ako rito!" pairap pang inutusan si Nathan ng kaniyang kapatid na sinunod din naman niya.
Isa-isa niyang pinaglalaho na parang bola ang mga lightning bolts sa paligid ni Snow White.
"Kaya ko," mahinang sabat ni Xoria sa kanilang dalawa. Natigil sa mainit na diskusyon at napalingon sa gawi ng reyna ng Wonderland. "May isang lagusan sa ating mundo na madalas ginagamit sa Wonderland."
Ngumiti si Snow White sa galak. "Tama! Ang lagusan kung saan dumadaan si Alice. Ang mahiwagang lagusan na matatagpuan lamang sa Wonderland. Ngunit --" Sumilay ang mga lungkot sa mga mata ni Snow White. " -- matagal mo na iyong isinara at sinira pagkatapos mong malaman na nagtraydor sa iyo ang batang iyon."
"Isa kang magaling na reyna, Snow. Hindi ko aakalain na pati ang buhay ko ay pag-iinteresan mo pa. Pero tama ka, nagtraydor sa akin ang batang iyon. She stole something from me. And i need to get it back. Hindi totoo na sinira ko ang lagusan. I simply transfer it in another place, para hindi na magamit pa ng iba. Isang one-way portal na lamang iyon. Sinira ko ang lagusan mula sa labas, upang magiging huli na si Alice na makapasok sa mundong ito gamit iyon. At ang isang lagusan ay pwede pang daanan hanggang mula rito papunta ro'n."
"Sinungaling! Don't trick me, woman! We teleported from there to here. So tell me, paano nangyari iyon kung sarado na ang lagusan?" pag-uusisa ni Nathan. Masyado pang presko ang mga nangyari para tangahin niya ang kaniyang sarili. "Kaya mo ring mag-teleport."
"Hinding-hindi ko gagamitin ang mga natitira ko pang kapangyarihan, sa pansariling interes ng iba. Mayroon akong misyon at kailangan ko iyon tapusin bago pa ang lahat."
"Selfish! What do you want from me?"
"Ikaw," walang kagatol-gatol nitong sagot sa kaniya. "Ikaw ang kailangan ko."