viii. the deal

1557 Words
Naguguluhan si Xoria sa relasyon ng dalawang kausap niya. Tunay mang kapatid o hindi, buo pa rin ang kaniyang loob na ituloy ang kaniyang misyon. Hindi niya mawari kung kailangan pa ba niyang sabihin sa dalawang ito ang kaniyang tunay na pakay ngunit iisa lang ang tumatakbo sa kaniyang isipan -- kaya niyang magamit ang reyna ng Yuteria, kapag hawak niya sa leeg ang lalaking ito. "Ikaw ang kailangan ko.." Napalunok siya ng laway pagkatapos niyang sagutin ang tanong na iyon.. He stares at her, as if kaya nitong buksan at tingnan ang laman ng kaniyang utak. Nabalisa ang reyna hindi dahil sa kakaiba nitong pagtitig, kundi dahil ito pa lang ang bukod-tanging nakatitig sa kaniya ng ganito. Intense. Walang takot. At hindi tinitingnan ang kaniyang antas sa lipunan. "Ako? Bakit ako?" tanong ni Nathan sa kaniya, habang naghihintay naman ng sagot si Snow White. "I don't know you. You just popped out into my life and brought me into this me. So why do you need me?" "Malakas. May kapangyarihan. Marunong sa pakikidigma. What can I ask for more?" Hindi siya nagpatinag sa maiinit nitong titig sa kaniya. She has to win this time. "At bakit ang kapatid ko pa ang binubwisit mo, Reyna Xoria?" sabat ni Snow White sa kanila. "Sigurado akong madami ka pang kakampi. Sigurado akong may mga tauhan ka pa. Kaya bakit ang kapatid ko pa ang kailangan mo?" Nilingon niya ang gawi ni Snow White. Hindi siya nakasagot kaagad. Mahirap sumagot. Mahirap magtiwala. Unang-una, hindi rin niya alam kung bakit ito ang mas gusto niyang makasama kaysa sa iba na kaya siyang sundin nang walang pagrereklamo. But there's something in him that she cannot decipher yet. Isang koneksiyon. Isang invisible bond. Isang missing piece ng isang puzzle. At kung anuman 'yon, she has to know. "Wala kayong choice," giit niya. "Ako ang may kapangyarihan sa ating tatlo na magbalik sa kabilang dimensiyon. At ako ang may alam ng sikretong lagusan upang makarating sa mundo ng mga tao." Tumahimik ang magkapatid. Dama niya na nakikipagramdaman ang mga ito. Binabalanse ang kaniyang sinasabi. Nag-iisiip. "Ibabalik kita sa kabilang mundo," muling bigas ni Xoria. "Pero may kundisyon..." Kulang na lang ay manlisik ang mga mata ni Nathan sa narinig. Pero wala ng pakialam pa ang reyna ng Wonderland. Mayroon siyang misyon. At iyong ang mas mahalaga. "Gusto mong samahan kita?" Hula ng Nathan sa kaniya na may tonong sarcastic ang boses. "Gusto mong maging alila, alalay, guwardiya, tour guide, o ano pa ang tawag mo r'yan?" Tumango si Xoria bilang pagtugon. "At kung hindi ako papayag?" muli nitong sambit. "Then you're stuck here. Kaya kong maghanap ng katulad mo. Subalit wala ka nang mahahanap na nilalang na kayang mag-teleport sa kabilang mundo." Muling nagtitigan ang magkapatid. Lihim na nakangiti si Xoria. "Tatlong araw. Sa akin ka muna ng tatlong araw." Napataas ang kilay ni Nathan sa kaniya. "At saan mo naman ako balak dalhin?" Hindi siya sumagot. Ngumisi lang si Xoria habang napapansin na seryosong-seryoso na ang magkapatid. Nasa kaniya ang momentum. May pag-asa pa. May pag-asang mailigtas ang Wonderland. Nahulog na sa bitag ang mga ito. Checkmate. "Kailangan kong makuha ang bagay na ninakaw sa akin ni Alice. Kailangan mo akong tulungan." *** Sa mundo ng mga tao... Talamak ang polusyon sa hangin. Maingay ang bawat busina ng mga sasakyan. Mainit sa balat ang dampi ng araw dahil sa lumalalang global warming. Totoo, nakarating nga si Nathan sa mundo ng mga tao, gamit ang payo ng reynang kasa-kasama niya. Hindi ganoon kadaling matagpuan ang lagusan dahil ginamit lamang ng reyna ang teleportation upang makarating doon nang mas mabilis. Hindi na sumama si Snow White, pero alam niyang hindi rin nito nagugustuhan ang mga nangyayari. "Mag-iingat ka, Kuya. Hindi mo dapat pagkatiwalaan ang isang katulad niya. Kaya ka niyang traydurin anumang oras. Kilala ang Red Queen sa pagiging walang puso kung magdesisyon. Nasa bingit ka ng kamatayan, anuman ang iyong magiging desisyon." Paulit-ulit ang mga salita 'yon ng kaniyang kapatid na pumapasok sa kaniyang isipan. Kaso, kinakain na si Nathan ng kaniyang koryusidad. Ano ba ang ninakaw ng batang si Alice? Ano ba ang bagay na iyon na parang pinagtutuunan talaga ng pansin ng reyna? Impossible na wala lang iyon, lalo na at nagmumukha na itong desperadang nilalang. She risks her life, dealing with her. And that is something that he cannot understand? Para saan? Para ano? Kay daming bagay ang pumapasok sa kaniyang isipan. But one thing is for sure, nandito na siya. Kinain din ni Nathan ang kaniyang mga salita. Pinasok na niya ang gulong ito na siyang pinakaayaw niya sa umpisa pa lang. Tatlong araw. Tatlong araw lang dapat. Walang labis. Walang kulang. "Magpapakamatay ba kayo, ha?!" sigaw ng driver ng puting kotse. "No jaywalking! Hay naku! Bakit ang daming tanga pa rin sa mundo!" sunod-sunod nitong pagmamaktol na hindi na nila pinansin pa. Napabuntong-hininga si Nathan. Hindi naman nila kasalanan na nasa kalagitnaan ng highway ang dulo ng lagusan. Masuwerte na lang at hindi sila nasagasaan. "Tatanggalan ko iyan ng bibig." Mahina lang ang pagkakasabi ng reyna, pero narinig iyon ni Nathan. Hindi niya maintindihan ang kaniyang sarili, pero imbes na magalit, he finds it amusing. "Halika nga!" Kinuha niya ang kanang kamay ng reyna nang walang paalam at mabilis na naglakad papalapit sa may gilid ng kalsada. "Wala ka sa Wonderland para maghasik ng lagim. Kung gusto mong tulungan kita, act as normal as you can. Sa mundo ng mga tao, hindi uso ang powers. Kung mayroon ka, dapat walang nakakaalam." Napatigil ang babae sa kaniyang tagiliran, hindi dahil ang dami niyang sinatsat, kundi dahil nakatutok ang mga mata nito sa kaniyang kamay na hawak-hawak pa rin ang kamay ng reyna. "You are warm, kahit ang cold ng dating mo," aniya. "Pero huwag mo na akong hahawakan sa susunod." "Yeah, right. Hindi bagay sa 'yo ang hahawakan lang kundi mas okay sa 'yo ang talian sa buong katawan." He lets go of her soft hand. Pakiwari niya'y nadama na niya ang dampi ng kanilang balat, somewhere. He shakes his head. Walang gano'n. "What do you mean by that?" She glares at him. "Mean what?" "Talian ang reyna! Gusto mo bang mamatay?" "Tsk. For your information, Your Highness, you are in our world now. You obey me. My world, my rules, Xoria." "Reyna Xoria," pagtatama nito sa kaniya. "At ano ba ang ibig mong sabihin? You talk too much." "And you're dull like a corpe. Nasa mundo ka ng mga tao. Xoria lang ang itatawag ko sa 'yo." Nagtama ang kanilang mga mata. Kahit na ano pa man ang kaniyang sasabihin, bigo pa rin si Nathan na makita ang kahit anong emosyon sa mga magagandang mata na iyon. 'Hindi ka ba napapagod na itago ang emosyon mo?" Natigilan ang reyna. Naglayo ng tingin. Hindi na naman siya nito sinasagot. Bakit nga ba siya nangungulit kung alam naman niya ang magiging reaction nito? She's not really that mean, kung tutuusin. Medyo hindi lang nag-iisip sa pagbibigay ng desisyon, but Nathan thinks she's harmless. O baka ang utak niya ang hindi nag-iisip ng maayos. Napangiwi si Nathan sa sobrang pag-iisip. Tumingala siya sa asul na kalangitan. Napaisip. Napatanong. Hindi na niya maalala ang huling punta niya sa Olympus. Sobrang tagal na nang huli niyang makita ang kaniyang ama. Iniisip niya kung may kapatawaran pa ba ang isang pagkakamali. Iniiisip niya kung inaalala pa ba siya ng kaniyang ama, o tuluyan na siyang kinalimutan nito, kagaya nang pagtakwil ng ama sa isang anak. "Tulala ka." Nagising si Nathan sa kaniyang pagmuni-muni dahil sa boses na iyon. "Hindi ako tulala," pagsisinungaling niya. "Nagugutom ako," pag-aamin ng reyna, habang hinihimas ang kaniyang tiyan na tumutunog na rin. Nagpatuloy sila sa paglalakad sa may madilim na underpass. Hindi niya ito pinakinggan. Nagugutom na rin siya ngunit mas importante kay Nathan na tapusin kaagad ang pangungulit nito sa buhay niya. "Pagkain—" iyon lang ang narinig ni Nathan, bago pa niya nahulaan ang susunod na hakbang ng reyna. Hinarangan nito ang walang kamalay-malay na estudyante sa kolehiyo sa daanan. Napatigil ang babaeng may hawak-hawak pa na mga libro. "Pagkain. Nagugutom ako. Pagkain. . . pagkain" Lumiwanag ang tattoo ni Xoria na hugis korona sa noo. Nagulat ang babae. Gusto sanang tumakas ang estudyante, pero mas mabilis ang kilos ng reyna. Kaagad nitong nahawakan ang kamay ng babae. At saka lang napagtanto ni Nathan ang mga nangyayari nang makita niyang paliit nang paliit ang estudyante sa kanilang harapan, hanggang isang dangkal na lang ang liit nito. Hindi pa rin nakuntento ang reyna, kinuha niya ang babae gamit ang sarili niyang mga palad, at tinakpan. Lumiwanag ang kamao ni Xoria. At nang buklatin niya iyon, wala na roon ang mortal na babae. Ang mayroon na lang ay ang hugis-taong tinapay at ang malaking ngisi ni Xoria na tila ba'y takam na takam pa. Nanlaki ang mga mata ni Nathan sa ginawa ng Red Queen. Damn! Wala pang isang oras, may ganito ng eksena kaagad. Ano pa kaya ang tatlong araw? Kung minalas-malas nga naman. "Huwag mong kakainin!" sigaw niya, nang mapansing isusubo na ng reyna ang tinapay. Mabilis na lumapit si Nathan sa gawi ng reyna ngunit hindi niya alam kung maabutan pa ba niya ang tinapay ng buo. "Dammit, Xoria! Stop!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD