x. tasteless and bittersweet

1074 Words
Ang isa sa mga rason kung bakit siya broken ay nandito sa lugar -- sa kanilang paboritong tambayan noon mga panahon na okay pa ang lahat sa pagitan nilang dalawa. Siya at si Claire. Napatigil si Nathan. Na-stuck siya sa isang tanawin na ayaw niya sanang makita pero sinasadya talaga ng pagkakataon. Of all times, bakit sa ganito pang sitwasyon? Parang may kung anong pandikit sa kaniyang mga paa at ayaw nang humakbang pa. His feet seem stuck. His heart becomes heavy all of a sudden. Kahit iyong paghinga niya ay hinahabol na rin. And it is all because he sees Claire. Hindi ganoon kadaling mag-move on, lalo na at parang kahapon lang yata nangyari ang confession nito sa kaniya. Ang akala ni Nathan ay si Claire na - si Claire ang papawi sa bawat lungkot niya, ang magpupuno sa bawat pagkukulang niya, at magbubuo sa kaniyang nagpira-pirasong puso. He should have known better. Hoping for too much is another heartache. He should have known this one, the first he has felt this way. Wala talagang kadala-dala ang puso niya. Nandoon si Claire sa isang upuan na 'yon - ang kanilang paboritong upaan. Parang nananakit ang kaniyang puso habang pinagmamasdan niya ang babaeng iyon na may hawak-hawak pang tasa ng kape. Her face is beautiful, still, despite the pain that she has given to him. Kay tagal siyang nangarap na isang tunay na pag-ibig, at hindi niya mawari kung bakit hanggang ngayon ay minamalas pa rin siya. Is this a curse? Napasulyap si Nathan sa mga ulap. It was once his home. Isang tahanan na kailanma'y malayo nang bumalik sa dati. Ito ba ang kaniyang tunay na parusa pagkatapos niyang magkasala sa dati niyang buhay? Mag-e-emote pa sana siya sa sulok na iyon nang mapansin ang kaguluhan sa may counter area. "Miss! Kung wala kang pambayad, lumayas ka rito!" sigaw ng lalaking cashier. Medyo may kaedaran na ito at may kalakihan na rin ang tiyan. "Turo ka nang turo ng pagkain, tapos wala ka palang pambayad? Saang lupalop ka ba nanggaling at ipapasok na kita pabalik! Letseng babaeng ito! Kaaga-aga binubwisit mo ang negosyo ko!" Nanlaki ang mga mata ni Nathan lalo na at nakita niya na kumukupit pa si Xoria ng tinapay, pagkatapos itong pahiyain ng cashier, na siyang may-ari rin mismo ng bakeshop. "Gutom. Gutom na ko." "Aba naman talaga, oh!" Tinampal ng matandang iyon ang kaliwang kamay ng reyna. "Hindi ka lang pulubi, magnanakaw ka pa! Lumayas ka sa harapan ko! Lumayas!" Natigilan si Xoria, at natigilan din si Nathan sa sobrang gulat, lalo na at nakatingin na sa kaniyang direksiyon si Claire. Hindi niya alam kung ano ang uunahin, kung saan siya maglalakad, o kung ano ang dapat isipin. Pero . . . bahala na. "Pasensiya na kung naiwan niya ang kaniyang wallet, Mang Esteban." Sinadya niyang lakasan ang kaniyang boses upang madinig sa may counter. Lumingon kaagad ang cashier sa kaniya, na para bang nabunutan ng tinik. "She's with me." At habang abala ang may-ari sa presensiya ni Nathan, halos ay mapakamot na lang siya sa ulo nang mapansin ang pulang aura sa mga kamay ni Xoria. Alam kong may binabalak na naman itong masama sa taong naninigaw sa kaniya. At iyong pagtampal ni Mang Esteban sa kamay ng reyna, hindi rin iyon maganda lalo na at ang Red Queen mismo ang kaharap ni Esteban. Dali-dali nang naglalakad si Nathan papunta sa may counter, knowing na may dalawang pirasong mga mata ang nagbabantay sa akin. Ngunit, wala na siyang pakialam pa ro'n. Mas malaking g**o kung pababayaan niya ang reyna ng Wonderland. Delubyo iyon. At baka mabuking pa sila nang wala sa oras. Walang paalam na hinawakan ni Nathan ang kamay ni Xoria, at hinawakan niya iyon nang mahigpit. "Ikaw pala iyan, Nathan.Pasensiya na ha at napagalitan ko ang kasama mong babae. Hindi ko naman kasi alam na kasama mo siya. Sana, hindi ako mawawalan ng matinong customer sa ginawa ko." Mistulang tuta ang cashier sa kaniyang harapan. Iba talaga ang nagagawa ng pera. Ramdam na ramdam niya ang tensiyon ng may-ari ng bakeshop. Tama nga naman siya. Baka mawalan siya ng customer nang wala sa oras. Lagi pa naman niyang ni-re-reserve ang buong lugar para kay Claire dati. "Hindi naman, Mang Esteban. Give her all that she wants to eat. Sagot ko lahat." Ngumisi ang kanilang kaharap na para bang naka-jackpot. At sino naman ang hindi? He pays triple the price every time he goes in here, at wala siyang pakialam doon. Hinablot niya ang kamay ni Xoria habang patay-malisya sa kaniyang ginagawa. Her hands are cold, katulad siguro ng puso niya. Wala man lang kainit-init sa balat nito. And he somehow feels sad about it. Napaisip siya kung ano ang mayroon sa reyna. "Dapat hindi mo ako pinigilan. Gusto-gusto ko pa naman iyong gawing tinapay at isasama sa mga pagkain ko. Mukhang hindi masarap ang isang iyon, pero puwede nang pagtiyagaan." Binitiwan na ni Nathan ang kamay ni Xoria. He offers a seat, malayo sa puwesto ni Claire. "May deal tayo, remember? Act normal as you can." Alam naman niyang malabo iyon. Hindi ganoon kadaling mag-blend sa mga tao. It will take weeks - or months - o mas higit pa. Malas lang niya at mayroon lang silang tatlong araw. At pakiramdam ni Nathan na magiging isang malaking sakit sa ulo ang tatlong araw na iyon sa buhay niya. Napabuntong-hininga nang malalim, batid niyang wala na itong atrasan pa. He's going to be a baby sitter ng isang Red Queen, na mahirap tantiyahin ang takbo ng utak. Sunod-sunod ang paglalapag ng mga pagkain sa mesa. Halos ay mapuno na ang round table sa dami nang nilalapag na plato ro'n. Sumilip si Nathan sa mukha ng reyna, subalit ganoon pa rin ang expression nito - wala . . . . walang emosyon. Ang weird na makakita siya ng babaeng katulad nito. "Kumakain ka nang kumain. You need it," aniya. Kinuha ni Xoria ang tinidor at una nitong tinikman ang chocolate cake sa harapan nito. Sa unang subo ng bibig, napatigil si Xoria. Ang akala ni Nathan ay makikita rin niya ang babaeng lulundag-lundag sa kaniyang harapan, o sasabihing ang sarap naman ng cake na natikman nito, ngunit wala pa rin iyong silbi. "Mukhang matatamis at masasarap ang pagkain na narito." Ibinaba niya ang tinidor sa may maliit na platito. "Nakakapanghihinayang at wala akong malasahan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD