Napakunot ang noo ni Nathan sa narinig. "What do you mean by that? Wala kang panlasa? Hindi mo nalalasahan ang pagkain?"
"Ang panlasa ng pagkain ay isa marahil sa pinakamalapit na koneksiyon sa ating puso. May iilan pa nga na nagagamit ang panlasa na iyon upang malaman at maipahayag ang tunay na nararamdaman. Matamis na pag-ibig. Mapait na pagmamahal. At kung anu-ano pa. Kaya natural na sa akin na walag panlasa. Kagaya ng –" Napahinto si Xoria sa pagsasalita. "—Katulad ng..."
At bakit ang tanga-tanga niya na hindi niya iyon naisip kaagad?
Wala rin itong maramdaman...
Ano'ng nanggyari sa kaniya? Bakit nawala ang emosyon nito? May kumuha ba o sinadya nitong itatapon na lang? At sa bawat pagtatanong, nararamdaman ni Nathan mas lalong lumalalim ang pagkakuryos niya sa isang 'to. Hindi ito maaari. Kailangan niyang pigilan ang kaniyang sarili.
"Pero kapag tao ang nakakain ko, mayroong emosyon. Kahit paano ay mayroon akong nakukuhang emosyon. Nanggagaling iyon sa naiiba nilang kaluluwa. Panandalian lamang iyon. Maglalaho rin ang pagkiramdam, subalit sapat na iyon para sa akin. Ginagamit ko rin iyon kapag mayroon akong matinding desisyon na kailangang gawin na nangangailangan ng emsoyon."
Nakakadiri. Hindi kayang sikmurain ni Nathan ang sinasabi ng reyna. Isa siyang magandang halimaw. Isang napakagandang halimaw na nagkukubli sa mundong inakala ng lahat ay tunay na Wonderland.
"Subalit..."
Naghintay si Nathan ng karugtong, pero nananatili lamang na tahimik ang reyna.
Nag-iwas ng tingin si Xoria at hindi na nito tinapos pa kung anuman ang balak nitong sasabihin. Malihim ang isang 'to. Mas malihim pa sa kaniya. Pareho silang dalawa na nababalutan ng misteryo at kadilaman ng nakaraan. Nakakaawa lang at pinagtagpo pa silang dalawa para lang makita ang nakakawang sinapit.
Fates are enjoying to play tricks on them.
"N-Nathan?" tawag ng pamilyar ng boses sa kaniya. Hindi na niya kailangan pang lumingon pa. Kilalang-kilala niya ang boses na 'yon. Iyong boses na gugustuhin niyang madinig nang paulit-ulit. "Nathan, iyong patungkol noong huling araw na nagkita tayo..."
"Tapos na akong kumain," sabat ng reyna, na mukhang isang subo pa lang yata ang ginawa sa cake. "Sino ba itong mortal na nagpapawalang gana sa kinakain ko?"
Nagkatinginan ang dalawang babae. Alam ni Nathan na napupuno ng pagtataka si Claire kung sino ang kasama niya, ngunit wala na siyang balak pang pagpaliwanag pa. Wala na siyang balak na ipakita at bigkasin ang kaniyang tunay na nararamdaman. Nahihirapan siyang huminga. Bumabagal ang pagpintig ng kaniyang puso. Habang tinitingnan niya si Claire, ramdam na ramdam pa rin niya ang bigat ng kaniyang kalooban.
"Nathan? Who is she?" tanong ni Claire.
Sopistikadang tumayo si Xoria sa kinauupuan nito at humarap kay Claire. Dahil blangko ang emosyo ng reyna, kitang-kita sa mga mata ni Claire ang labis na pagtataka. If only he can see a hint of jealousy in there, but there is none. Para lang siyang nag-a-assume kahit wala naman talaga.
"Hindi mo na kailangan pang malaman kung sino ako. You are wasting my precious time, Miss."
"Suplada ka."
"And you are annoying. Now, get out of our way, bago pa kita gawing tinapay at kainin."
Nanlaki ang mga mata ni Claire sa sinabi ng reyna. "Hindi ka rin tao?" mangha nito.
"Maiwan ka na namin, Claire." Hindi na niya pa gayang tingnan ang mukha ng kaniyang kaharap. Ayaw niya muna dahil hindi pa niya kaya. May mga bagay na kailangang idaan sa proseso. Subalit, hindi kasama sa proseso na iyon ang madaliang pag-mo-move ng nararamdaman.
Hinablot niya ang kamay ng reyna at dali-dali silang naglalakad papalabas ng bakeshop. If he has his teleportation power, he badly needs to use it today. Mas mabilis na makalayo sa lugar na ito, mas maganda. Mas makakahinga pa siya. Mas hindi siya masasaktan.
"Saan ba tayo pupunta?" tanong ni Nathan, kanina pa sila magkasama pero hindi pa niya talaga alam kung ano'ng balak ng reyna. Wala pa itong binibigay na specific details ng misyon.
"Kailangan kong makita ang cursed god. Alam kong nasa mundo siya ng mga mortal." Natameme si Nathan sa sinambit ng reyna. Of all god that she wants to see, bakit ang curse god ba?
Binitiwan niya ang reyna at huminto. "Solohin mo ang misyon mo. I am backing off."
"Ano'ng ibig mong sabihin? Kilala mo ba siya?'
Hindi niya sinagot. Hindi lang kilala, their fates were once been crossed. It was a tragic one. At hanggang ngayon, wala pa siyang balak na magpakita kay Nyx.
Not in this life time.
May mga peklat ng nakaraan na hinding-hindi na mabubura, kahit ilang beses pang ma-reincarnate ang isang nilalang. And this woman has no clue on what he is feeling right now. Damn this day! Bakit sunod-sunod yata ang kamalasan niya? Bakit sinusubok yata ang kaniyang pagiging control freak sa emotions?
"Ironic when you have no emotion to feel at all, while I am trying my best not to drown with it."
Hinawakan ni Xoria ang kaniyang kamay. It still feels cold, but there is something in her eyes that has changed. Mas lalong kumikinang ang pula nitong buhok, na sumasayaw sa hangin. Hindi man maipaliwanag ni Nathan, pero may kung kakaibang aura si Xoria. Something seems soften in her soul. Or does she have one?
"Kailangan ko ang tulong mo," she confesses in front of him. "Kailangan ko siyang makita. Kailangan kong makita ang cursed god ng Olympus sa lalong madaling panahon. Iyon ang misyon ko."
He lets go. Okay na sana, e. Okay na iyong isang reyna ang kusang magsasabi na kailangan din siya. Subalit, nang malaman niya ang tunay nitong pakay, pakiwari niya'y nadidismaya siya.
"Bakit? Para humingi ng tulong sa kaniya? Para papuntahin siya sa Wonderland at ilagtas ang mundo mo? Look, may mga rason kung bakit isa siyang cursed god. Don't depend on him that much."
He closes his eyes, wanting to transport himself anywhere – huwag lang sa harapan ng reyna na 'to. But damn! Kahit nasa mundo na siya ng mga mortal, at malayong-malayo na siya sa mundo ng Wonderland, his teleportation power hasn't come back, yet.
"Hindi maiibalik ang iyong kapangyarihan hanggang hindi matatapos ang kaguluhan sa Wonderland."
Shit!
He hates it, more than he hates himself in loving a wrong woman. Sa katulad niyang nilalang, dinaig pa niya ang isdang nawawalan ng tubig. He needs his powers back.
"Tulungan mo naman akong makausap at akita ang cursed god."
Si Nyx, and diyos na nasa propesiya na papalit sa kaniyang amang si Zeus. Ang diyos na nasa propesiyang papalit sa diyos ng mga diyos. Ang kaniyang kinaiinggitan. Ang kaniyang kaaway. Ang umagaw ng kaniyang buhay at kalayaan.
And she expects him to see that bastard god?
Hell.
Puro na lang si Nyx. Hanggang dito pa naman sa bagong buhay, nakasunod pa rin ang anino ni Nyx sa kaniya? Damn this life.
"Impormasyon lamang ang kailangan ko sa kaniya."
He stares at her. His eyes are fierce and in rage. "And what makes him special para siya talaga ang hinahanap mo?"
"May kakayahan siya na wala ang iba. He knows where to find Alice."
Sa sobrang pagkayamot, ginugulo ni Nathan ang kaniyang buhok. "Sorry, my queen, but I can't. Matatagpuan mo lamang ang iyong hinahanap sa isang isla. Pero invisible ang isla na iyon. Hindi basta-basta makakarating doon. Kailangan ng imbistasyon."
"Paraan. Mag-isip ka ng paraan upang makausap ko siya. Kailangan kong makita si Alice sa lalong madaling panahon."
"Kailan mo huling nakita si Alice?"
"200 years ago."
He stops. Masyado nang matagal iyon. "We are wasting time here. Walang silbi kahit makita mo ang cursed god. Dahil hindi mo na makikita pa si Alice. Isang daang taon lang ang kayang mabuhay ng mga mortal. Patay na ang hinahanap mong tao sa panahon ngayon. It's useless, Xoria. This mission is a complete failure."
Oo, masakit. Pero kailangang harapin ang katotohanan na iyon. Batid ni Nathan na walang emosyon ang reyna, pero mayroon itong utak.
It's over.
"I cannot stop. I have to find it, kahit ano pa ang mangyari. Kailangan kong makuha ang ninakaw ni Alice sa Wonderland. Kailangan iyon maibalik sa akin. Iyon na lang ang paraan para mailigtas ang Wonderland," panggigiit ni Xoria na hindi na niya nagugustuhan.
Dumidilim na ang kalangitan. Nagbabadya nang umulan. Parang papatak na ang luha ng langit, at nandoon pa rin sila sa gilid ng kalsada. Nagtitigan. Tinatantiya ang bawat isa.
Alam ni Nathan na hindi ito titigil kapag hindi nito makukuha ang gusto. She is a queen after all. She knows what she wants.
Puwera siya..
"What is it that you badly want?" Hindi na niya kayang tiisin pa ang kuryusidad. "You have to tell me. You have to prove that my time is worth wasting to yours. Kailangan mong paniwalain na mahalaga ang misyon na 'to."
"To save Wonderland!"
"Bullshit! Hindi niya sinasadyang taasan ang kaniyang boses, pero nagawa na niya.
This is useless.
Tumalikod si Nathan, and starts walking away from her. He can sense something. Pakiramdam niya ay may kulang sa impormasyon ni Xoria. Parang may isang piece ng puzzle na nawawala. And if she wants to play safe, then so be it. He is leaving her..on her own.
"Nathan!" tawag nito sa kaniya. That is the first time na tinawag siya nito sa kaniyang pangalan. It feels weird that he likes it in an odd way. "Nathan! Bumalik ka rito! Wala na akong oras! Kailangan kita!"
Hindi pa rin siya lumingon. Kapag lilingon siya ngayon, hindind-hindi na nito sasabihin ang huling puzzle ng misyon. He still acts cooly, as if he cannot hear her voice.
"My heart...."
Napatigil si Nathan sa paglalakad.
"I want my heart back. It was stolen from me."