xii. queen's secret

1271 Words
Her lost heart... Nagulantang si Nathan. This is not the answer he expects. Who would have thought that the queen is looking for heart all this time? Para silang dalawa na nakatingala sa langit. Naghahalo ang kulay lila, dilaw, at pula na mga ulap. Magandang pagmasdan ang kalmadong atmospera, pero hindi naman ang kalmado ang utak ni Nathan. Na-shock pa rin siya sa sinabi ni Xoria. Ilang minuto na ang nakalipas, pero nakatulala pa rin siya sa rebelasyon nito kanina. Sino ba ang hindi? "Who stole your heart? And why did you have to put it away?" Hindi na siya makatiis. Nathan doesn't really know how to feel. Para siyang nahimasmasan sa kahihiyan na kaniyang ginawa at nasabi na sa reyna. He has judged her without knowing the truth first about her. All this time, the queen is searching for her lost heart. Parang napahiya si Nathan sa nangyari. Parang gusto niyang humingi ng tawad, subalit mas pinili niyang itikom ang kaniyang bibig. "Sikreto ko iyan," mahinang sambit ng reyna. "No longer a secret," pagtatama niya. "So you trust me enough?" Hindi ito sumagot. Malamang, no choice lang si Xoria. Padami na nang padami ang kaniyang mga tanong para sa babaeng ito, ngunit mas pinili niyang manahimik na lang. He should have known, na may nangyari sa reyna kaya ito nagkaganito. Para siyang nahimasmasan sa binigkas nito, na para bang iyon na yata ang huling mga kataga na lalabas sa bibig ni Xoria. Hindi na ito muling nagsalita, na mas ikinababahala ni Nathan. "Xoria," he calls her name, na para bang pahapyaw na lang. He feels that somehow, pagkatapos nang sinasabi nito ay i-sa-shutdown na ng reyna ang pinto ng buhay niya. "Ano'ng nangyari?" "You don't need to know. You don't need to find out." "Bullshit. Nagsabi ka ng ideya pagkatapos, hindi ka man lang magpapaliwanag? What's that for?" irritable niyang tugon. Bahagya na ring tumaas ang kaniyang boses. Nakaka-highblood talaga kausapin ang isang 'to. "I don't have to know, pero ayaw mo akong tantanan?" "Para magkaroon ka lang ng interes sa misyon ko." "So pakagat ka lang pero hindi mo talaga lulunukin, gano'n?" "Baka kasi kapag malaman mo na, baka iiwan mo lang din ako sa ere. Humans do that a lot. Mas gusto lang ang happy-endings. Pero kung malaman na nila ang tunay na mukha ng isang fairytale, babahag na ang buntot. And they will leave you eventually." "Double bullshits! Ano ba ang tingin mo sa akin? Madaling matanga? Madaling mang-iwan?" For f**k sake, hindi rin naman siya tao. Hindi man lang siya nito nilingon. "Hindi ko kailangang sagutin ang mga tanong, just to satisfy your craving of thoughts. Nandito ako para misyon na 'yon. Kung kaya ko lang, hindi na kita guguluhin pa. Hindi ko kailangan ng taong alam kong wala naman pakialam sa misyon ko. Alam kong dawit ka lang. Alam kong wala lang sa 'yo ang pinaglalaban ko. Pero kung tutulungan mo ako, tatanawin ko 'tong isang malaking utang na loob. Pay your price, after this. At ibibigay ko 'yon sa 'yo." "You can't pay me," mapakla niyang sagot. "Then tell me what you need. Iyong kaya kong ibigay, ibibigay ko." Nagtitigan silang dalawa ng wala sa oras. Napasinghap si Nathan habang nakapokus sa mga mata ng kaniyang kausap. May kung ano talaga sa babaeng ito na hindi niya maintindihan. Masyadong pamilyar ang mukha, ang amoy, ang titig. "Wala akong kailangan sa 'yo." Madiin ang boses ni Nathan sa pagkakabigkas ng bawat salita, sabay napalingon sa ibang direksiyon. "Iyong babae kanina, siya ba ang mahal mo?" Napatigil si Nathan sa pagbabago nito ng topic. "I can see how you look at her," dagdag pa niya. "May pagmamahal pa rin. Hindi nga lang matamis, kundi mapait. Pero wala namang nagsasabing palaging matamis ang pag-ibig, o may lasa nga ba ang pag-ibig. You love that b***h. Wala kang taste pumili ng babae. Gusto mo bang magbalik ang pag-ibig niya para sa 'yo? I can do that." Ngumiti si Nathan. Isang sarkastikong ngiti. "Para sa isang babaeng walang emosyon, I take that as a good insult. Been there, done that. Hindi ko kailangan ng pagmamahal na hanggang ilusiyon lang. That is not true love." "Para sa isang lalaking walang kuwenta sa emosyon, I take that as a yes. You love her." "Stop it," irritable niyang tugon. Pareho na silang naglalakad sa daan. Hindi na niya gusto ang pag-uulit ng reyna sa kaniyang emosyon. "I just stop it. Tama na ang usapan na 'to. Let's get to the point." Tumigil ang reyna kaya napahinto rin siya. Lumingon ito sa kaniya nang makahulugan. "May kilala ka bang Luke? Isang diyos iyon. Walang kuwentang nilalang. Madami iyon kasalanan sa aming kaharian. Isa siya sa mga misyon ko. Kapag makuha ko na ang puso ko, siya ang isusunod ko." Na-shock si Nathan si tanong ng Red Queen. His former name is Luke pero wala naman siyang natatandaan about Wonderland. At mas lalong hindi niya kilala si Xoria. Impossibleng siya ang tinutukoy nito. "Hindi ko alam kung sinong Luke iyang hinahanap mo. Pero, may kilala akong Luke." Napalunok pa ng laway si Nathan bago muling nagsalita. "Hambog, mapagmataas, at attention seeker. Nag-asawa pero sa babaeng hindi siya mahal. Tinakwil ng magulang. Pinarusahan. Nagdurusa." Tinititigan siya nang mabuti ng reyna. "Baka iisang Luke lang ang tinutukoy natin?" Napataas ng kilay si Nathan. Impossible. "Ano bang kasalanan ng Luke na iyan sa buhay mo?" Si Xoria naman ngayon ang napatigil at nangilatis. Nagpakiramdaman kung dapat bang sabihin sa kaniya ang iilang sikreto sa misyon niya. "Mamamatay tao," mahinang sagot nito. "Isang kriminal." Nope. Siguradong-sigurado na si Luke na hindi siya iyon. Hindi naman siya mamatay tayo. Sigurado, ibang Luke iyon. Ang nakakapagtataka, sino pa bang anak ng diyos na Luke din ang pangalan? "Nagkakamali ka," pagtatama ni Nathan. "Iyong Luke na kilala ko, hindi niya kayang pumaslang kahit gaano pa siya kagago. Ang mali lang niya ay magmahal at magpahalaga sa maling tao. Magkaiba ang tanga sa mamamatay tao." Nagsimula na namang maglakad si Nathan pagkatapos niyang dipensahan ang kaniyang sarili. "Nasaan na ang Luke na kilala mo?" she asks. Nakabuntot ang reyna sa kaniyang likuran. "Is he still alive? Kaibigan? Kaaway?" "Pasensiya na. Hindi mo na iyon makikilala pa. He died a long time ago," mabilis niyang sagot. "You're the Queen of Hearts. Malamang, hindi mo iyan naramdaman ang matraydor sa pag-ibig." Nag-assume si Nathan na babanat pa ito sa kaniya pero wala. Nananatiling tahimik ang reyna. Napahinto na naman sila sa paglalakad. Kapwa sila nagkatinginan sa kakaibang lagusan na nagpakita na lang sa kanilang harapan. Isa ba itong kagagawan ng kalaban? Palaki nang palaki ang lagusan na ito. Palakas na rin nang palakas ang kumpas ng hangin. Sa lakas ng kapangyarihan, hinihigop na ang mga maliit na bagay sa malapit sa nasabing lagusan. Sunod-sunod ang pagpasok ng mga bote ng softdrinks, mga tuyong dahon sa semento, mga basura na hindi pa nalinis, at kung anu-ano pa. Napaatras si Nathan. Hindi niya gusto ang mga nangyayari. Nakaradam siya ng panganib. Hindi nga lang niya matanto kung ano o sino. Sa dami ng kaniyang naging katunggali, mahirap nang isa-isahin. Kaliban niya o kalaban ng reyna, alin man doon, iisa lang ang alam ni Nathan. "Kailangan na nating umalis dito." Walang pasabing kinuha ni Nathan ang kamay ng reyna at awtomatikong mabilis na tinago niya ito sa kaniyang likuran. Natunton na sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD