Earthquake? That is something that will never gonna happen – hindi sa lugar ni Ayden. Ang kaso ay nangyari. Hindi basta-basta ang mansiyon nito at alam iyon ni Nathan. A god's territory isn't something that they can mess around. Lumabas sa silid sina Silver at Xoria at lumapit sa gawi nilang tatlo. "Mukhang may mga gate crusher," pangiting sabi ni Silver. He was getting ready for a battle. "Ano na naman kaya ngayon?" Nawala ang ngiti ng mag-asawa habang tuloy-tuloy pa rin ang paglindol ng paligid. "Mahirap maglinis ng bahay." Nagsalubong na ang kilay ni Fate. "Dito lang kayo. Titingnan ko lang kung sino ang nasa labas." Hindi pa man siya nakakagalaw, kaagad na hinawakan ni Ayden ang kamay ng kaniyang kabiyak. "Dito ka lang. Ako na ang lalabas. Masyado kang mainit." "Hindi—" Bigla na