xx. xoria's fears

989 Words
Earthquake? That was something that would never gonna happen – hindi sa lugar ni Ayden. Hindi basta-basta ang mansiyon nito at alam iyon ni Nathan. A god's territory isn't something that they could mess around. Lumabas sa silid sina Silver at Xoria at lumapit sa gawi nilang tatlo. "Mukhang may mga gate crusher," pangiting sabi ni Silver. He was getting ready for a battle. "Ano na naman kaya ngayon?" Nawala ang ngiti ng mag-asawa habang tuloy-tuloy pa rin ang paglindol ng paligid. "Mahirap maglinis ng bahay." Nagsalubong na ang kilay ni Fate. "Dito lang kayo. Titingnan ko lang kung sino ang nasa labas." Hindi pa man siya nakakagalaw, kaagad na hinawakan ni Ayden ang kamay ng kaniyang kabiyak. "Dito ka lang. Ako na ang lalabas. Masyado kang mainit." "Hindi—" Bigla na lang nagsalita ng reyna. "Hindi niyo to laban. Mukhang natunton na ako ng mga naghahanap sa akin." Nagtinginan silang lahat sa gawi ng reyna. Tahimik pa rin si Ayden na pinagmasdan ang mukha ni Xoria na hindi man lang nakitaan ng pag-aalala. "Ako na ang lalabas. Ako ang hinahanap niyan." "Paano mo nasabing ikaw ang hinahanap niyan? Paano mo nasasabing hindi kalaban ng isang demon hunter, o 'di kaya kalaban ng isang diyos, o kalaban ng isang gorgon? Lahat tayo ay may kaniya-kaniyang digmaan. Paano mo nasasabing kalaban mo ang nasa labas at hindi amin? Napanganga si Ayden sa kaniyang pinagsasabi niya. Pero wala na siyang pakialam doon. Kung hindi ligtas ang lumabas, bakit pa lalabas si Xoria? Kahit na wala itong emosyon, may sayad na rin ba ang utak nito? Hindi ba niya alam na delikado? Ano nga ba ang iniisip niya? Si Xoria ang Red Queen ng Wonderland. Wala siyang magawa nang naglakad na ang reyna papalapit sa main door. Mistula siyang aninong kumakapit sa babaeng hindi niya alam kung matino pa ba ang pag-iisip. Hindi niya alam ang nangyayari na para bang ang sarili niyang katawan ay gumagalaw na rin nang hindi sinasang-ayunan ng utak niya. Pagbukas ni Xoria sa main door, isang pigura ng tao ang nakita ni Nathan sa may labas. Isang lalaking lumulutang sa ere. Isang lalaking gawa lamang sa usok ang katawan. Nakatingin ito sa reyna. At si Xoria naman ay doon lang din ang pokus. May kung ano'ng ginagamit itong mahika o salangka na nagpapayanig pa rin ng lupa. Usok lamang ang pumapalibot sa kabuuan ng bahay na tila ay niyayakap ng putting usok na iyon ang labas ng bahay. "Mahal na reyna, malayo na ang iyong nilakbay." Kinumpas-kumpas ng lalaking iyon ang kaniyang kamay at mabilis na kumalat ang usok sa lupa. Bumuo ito ng kung ano at sabay-sabay na pinakawalan papunta sa gawi nila Nathan. Pero, kagaya nga ng inaasahan, hindi pa man nakakalapit sa mansiyon ay kusa itong natunaw. "Lumabas ka riyan, kamahalan. Huwag ka riyan magtago. Umuwi na tayo sa Wonderland." Isa pang pagsugod. Mas Malaki ang usok. Mas makapal. Ngunit kagaya ng nauna, nalusaw pa rin ito. "Malakas ang loob mong salakayin ang lugar na ito," singhal ni Fate, na hindi man lang napansin ni Nathan kung kailan ito sumunod. "Nagpapakatiwakal ka ba? You are messing with the wrong house." Imbes na matakot, mas malakas na halakhak ang nadinig nila mula sa labas. "Kung ibigay niyo sa akin nang tahimik ang reyna, walang dugo o trahedya ang magaganap dito." "At ikaw pa talaga ang mas malakas ang loob dito?" Hindi alam ni Nathan kung sino ang lalaking ito, pero isa lang ang nasa isip niya. Isa itong kalaban. Isang kalaban na may malakas na kakayahan. Nathan looked at the queen. Iyong titig niyang napakaseryoso ang nagbigay sa kaniya ng hinuha na hindi maganda ang mangyayari. "Huwag mo na silang sasaktan, Pierro. Kusa akong sasama sa 'yo." Iyon lang ang nasabi ng reyna na siyang ikinagulat ng lahat. "Ano'ng pinagsasabi mo? Mukha ba kaming mahina sa paningin mo?" angal ni Silver. "Woman, you don't know what you're talking about." Pailing-iling naman si Ayden na nasa likuran na pala ni Fate. "Hindi iyan makakapasok dito sa bahay. You are safe." "At hindi kami pipitsugin. Hindi pa tayo nakapagpapakilala nang maayos, pero isa akong demon hunter. Itong babaeng ito ay matatawag na reyna rin ng Meduria at ang asawa niya ay isang prinsipe ng Atlantis at anak ng diyos. Minamaliit mo kami, babae." Dismayado si Silver, pero wala man lang pakialam ang reyna. "Tama na iyan," away ni Nathan. He didn't really know why he was doing this for this woman. "Hindi niya kayo minamaliit." "Hindi nga ba?" "Look, wala na tayong oras para dito. She has no emotions to absorb for your sentiments." Nagdedebate pa sila ni Silver nang napansin ni Nathan na humahakbang na si Xoria papalabas ng main door. "Hindi ka pwedeng lumabas!" utos ni Silver. Hindi pa man nakakalapit ang demon hunter ay bigla na lamang siya tumalsik. Nagulat ang sila Nathan sa nangyari habang mas lalong lumalakas ang tawa ng taong-usok sa labas. "Tama iyan, kamahalan. Huwag kang sumasa. Huwag kang lalapit kahit sino. Sa akin ka lamang sasama." Nagpakawala ng kidlat si Nathan sa sobrang pagkayamot sa nadinig. Hindi niya alam kung bakit. Hindi niya alam kung bakit tumakbo na lang siya papalapit sa reyna. "Xoria! Don't get stupid! Come back here!" Parang siya pa yata ang mawawalan sa wisyo sa pinaggagawa ng babaeng ito. Binagsak niya ang mga kidlat niya sa gawi ng lalaki pero imbes na umilig, sinalo lamang nito ang kidlat at binalik sa kaniya. Sa sobrang bilis ng pangyayari, parang bombang sumasabog ang mga kidlat sa puwesto ni Nathan. "Maganda ang iyong kapangyarihan. Sayang, hindi kita kaanib. Humanda ka, hangal. Pagbabayaran mo ang iyong kasalanan. Kamatayan ang sinumang mangangahas na sumama sa reyna nang walang pahintulot sa aming mundo." "Akiro!" tawag ng reyna sa lalaki. "Tama na iyan! Wala siyang kasalanan. Walang may kasalan." Bumubwelo pa rin ang lalaking iyon. Kahit pa sasabihin na walang emosyon ang reyna,
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD