Fate.
There are rumors about her – some good and bad. Pero sa hindi inaasahang ni Nathan sa ganitong pagkakataon pa sila magkikita. It is said that this woman has changed gorgon's fate for good. Pero, wala talagang nakakaalam ng tunay na nangyari sa mundo ng Meduria – ang mundo ng mga kalahi ni Medusa.
"Bakit ka nakatingin ng ganiyan sa akin?" she asks. Hindi lang talaga masabi ni Nathan na nakakamanghang makita ang direct descendant ni Medusa. In fact, replica na talaga siya ng mukha ni Medusa.
"You look exactly like her," Nathan replied. "Mula ulo hanggang paa, wala man lang pagkakaiba. Alam niya ang mukha ng cursed gorgon na iyon dahil na rin nag-iwan ng mga bakas ng pag-ibig ang uncle niyang si Poseidon. He really loved Medusa, despite the tragedies they had together.
Umirap sa kaniya sa Fate na para bang hindi niya iyon nagustuhan. "Ano naman kung kamukha ko siya?"
"Wala naman. Sinasabi ko lang na kamukha ni Medusa ang napangasawa ng loko-lokong si Ayden."
"At ngayon, intersado ka naman sa asawa ni Ayden?"
Nathan archs his brow in disbelief. "Ganiyan ka ba talaga? Sumabat ka nang sumasabat sa usapan nang may usapan?"
"Why you—" Akma na sanang papatulan na naman siya ni Silver, pero humarang si Fate.
"Tama na iyan, Silver!" medyo mataas na ang boses nito habang pumapagitna sa dalawa. "This is not the right time for your temper."
"Binabastos ka na, Fate."
Napahalumikipkip ang asawa ni Ayden. "Am I? Alam naman natin ang mangyayari sa nilalang na mambabastos sa tulad ko."
Natahimik ang sinasabi nitong Silver ang pangalan. Tahimik din na ang reyna na nanonood lang sa kanilang tatlo.
"Giving them option? Pwedeng lunurin ni Ayden sa tubig, o di naman kaya'y maging abo na lang. Mas Malala na siguro kung gawin mo silang bato."
"Tama na 'yan. Masyado kang masaya."
"Am I?"
"Because you talk too much."
Natatahimik si Silver habang napapakamot ng ulo. Hindi na rin nagsalita si Nathan upang hindi na hahaba ang kanilang diskusyon.
Nagsisimula na silang maglakad na apat papasok sa mansiyon.
"Siya pala si Silver," nagpapakilala ni Fate. "He's a friend of ours. Pasensiya na kayo. Ganiyan talaga iyan makipaghalubilo sa mga bisita. But he is harmless—"
"Ano ako? Tuta? Kuting? Para sabihin mong harmless?"
Napailing-iling si Fate sa banat ni Silver.
"Oo, malapit na. Masyadong nang bahag ang buntot mo sa asawa ko. Ano ba? Ginayuma ka ba? Blakmail? Sometimes I do not understand you."
Naging blanko na lang ang mukha ni Silver habang nakatingin kay Fate. Alam ni Nathan na mayroon din itong sikreto na ayaw niyang malaman ng iba.
"Ikaw, Nathan. You are welcome here."
Tumango-tango si Nathan. Still, it is not enough para maging panatag siya sa lalaking ito. Demon hunter and god hunter just won't go along – kahit pa may mga common friends sila.
"Paano ka naging god hunter?' sabat ni Silver sa kaniya. Heto na naman ang pag-uumpisa nito. "A Zeus' son turns into a god hunter. Mas sobra pa sa joke iyan."
Nagtinginan din ang dalawang babae sa kaniyang gawi. Lahat sila ay naghihintay ng sagot habang papalapit sila nang papalapit sa main door.
Nagkibit-balikat lamang siya. Hinayaan niyang ma-hang sila sa ere. Hindi niya kailangang sumagot. Hindi niya kailangang ipanlandakan ang tunay niyang pagkatao.
"I am not here to tell my story."
"Then why are you here?" tanong naman ni Fate, her hand was already holding the doorknob. "Hindi ba 'to reunion ng magpinsan? He is expecting your presence, you know."
Hindi siya sumagot. Wala talaga siyang balak makita ang kaniyang mga kalahi – kahit pa ipinanganak siyang muli at hindi nabura ang kaniyang alaala sa nakaraan – hindi pa rin iyon sapat para bumalik na lang at muling yakapin ang mga bangungot na mayroon siya noon. May mga bagay na mahirap balikan. May mga bagay na hindi rin ganoon kadaling talikuran. At kahit na gusto pa niyang maglaho na lang sa kawalan, sadyang may mga paraan ang tadhana upang guluhin ang kaniyang buhay.
If only he has a better life to live into..
"You are not human?" bulong sa kaniya ng reyna, pinauna na ang dalawa sa loob.
"And you aren't, either," mabilis niyang sagot.
"Why didn't you tell me that you are one of them?'
He swears that he can see disappointment in her eyes, lagi na lang iyong nawawala as if she isn't human at all. "Why do I need to tell you? And I am not one of them."
Kumunot ang noo ni Xoria at napansin niya iyon kaagad.
"Look, my life is not your business to take. You have your own to take care of." Hindi alam ni Nathan kung bakit siya nagpapaliwanag, kung batid naman niyang wala rin naman itong pakialam.
She has no heart for his own feelings. Tumatakbo lamang ito gamit ang sarili nitong pag-iisip. At nag-iisip nang hindi iniisip ang pakiramdam ng iba. He must be out of his mind.
Kailangan niya iyong alalahanin, or else she might break her too.
Nasa bukana pa rin silang dalawa samantalang tuloy-tuloy ang paglalakad nina Silver at Fate papaloob ng mansiyon.
"So, who are you?" Tumigil sila sa paglalakad. Hindi niya alam kung saan siya tuloy ma-a-amused; sa kakulitan nitong magtanong o sa ideya na curious din ang reyna sa kaniyang pagkatao. Whatever it is, Nathan is trying his best not to make a smile.
Napatitig si Nathan sa maamong mukha nito. Kung hindi lang siguro sa malaking hiwa sa mukha, tiyak ay mas makikita ng mga tao ang angking kagandahan nito. He wonders what she may look like, if she can frown, is she can laugh, or just see her smile letting go her inner emotions. He wonders if she could make him smile a lot more.
He pictures of her as a happy-go-lucky woman who desires to explore the world, using her heart.
He looks away. "Hindi mo na nga kailangan kasi hindi mo naman kailangan iyon sa misyon mo."
"Bakit ayaw mong sabihin?"
"Kasi ayoko."
"Are you really like this?"
"Yes, your highness. So deal with it. I am not planning to show you my world."
"Nagtatanong lang ako."
"At sinagot na kita."
"Ayaw niyong pumasok sa loob" sigaw ni Fate sa may hallway. Nagtinginan silang dalawa ni Fate sa gawi ng babae. "Pasok kayo sa loob. Doon na tayo mag-uusap sa may sala. Ayden will be here in a moment. Hintayin na lang natin siya ro'n."
He lets a tired breathe, bago sinundan ang reyna papasok. At hindi na rin ito kumikibo. Minabuti na lang niyang tingnan ang kabuuan ng mansiyon.
Mula itaas hanggang sa baba, simple lang ang disenyo pero elegante tingnan. Pinaghalong itim at gold and pintura ng mga dinding. Bubungad sa pasilyo ang malaking painting ng dalawang nilalang – isang lalaking nakasuot ng Atlantean na may asul na mga mata at isang babaeng nakabestida ng itim. Nasa tabing-dagat ang mga ito. Kalahati ng katawan ng lalaki ay nakatampisaw sa tubig at ang baba naman ay nakayapos sa lalaki, na para bang naghihinagpis.
Napatitig siya sa painting na para bang totoong nangyari ito.
"He painted it," isang boses ang narinig ni Nathan sa kaniyang likuran. Wala na si Xoria at malamang ay nandoon na iyon sa pinag-usapang kuwarto. It is Fate. "It was our last shot of hopelessness."
Lumapit ito sa kaniya, giving her the chance to stare at her more. She's incredibly gorgeous. No wonder Poseidon had loved Medusa that much, a long time ago.
"I can't believe that he can paint." Napatingin tuloy si Nathan sa malaking larawa at hindi mapagilang magulantang. "Ang alam ko lang, isa siyang happy-go-lucky na demigod."
Umilling-iling si Fate sa kaniya at ngumiti. "He's more than that. When I first met him, he was just like you."
"Nobody is like me," pagtatama niya.
"Every soul has a pain to feel, has demons to tame, and has nightmares to overcome."
Nathan closes his eyes, letting his own heart beats in a painful way. Ni hindi niya alam kung mas maganda bang malaman na tumitibok pa rin ang puso niya sa kabila ng sunod-sunod na kawalan ng suwerte sa buhay.
"Every soul doesn't get a happy-ending." At habang iniisip niya na gano'n din siya, mas lalo lamang niyang naramdaman na wala talaga siyang kuwenta.
"Your life has a meaning, Luke."
Parang mas lalong naramdaman ni Nathan ang kirot sa puso niya nang binanggit ni Fate ang kaniyang pangalan noon – bilang isang diyos. And now, he is nothing but a god hunter.
"My life has no meaning," muli niyang pagdidiin. "My life has no meaning when my own damn father cursed me to be like this."
"You can choose your own path."
"I didn't choose this path."
"But you choose not to kill gods, right?"
Natahimik si Nathan, at napatitig sa mga mata ni Fate. "Paano mo nalaman iyan?"
Ngumiti si Fate na parang na-amuse sa kaniyang kakaibang reaksiyon. "Walang nakakalusot na impormasyon sa mga kauri nating imortal. Even Zeus knows your alive."
Pero imbes na matuwa, galit ang naramdaman ni Nathan. Unang-una, ang tatay niya ang naging dahilan kung bakit siya napunta sa sitwasyon na ito. If it isn't for his father, he may have created a different life for himself. A god has interfered. Of course, Zeus knows that he's alive and not well. But that god of gods has no intention to visit him – not even once.
"I am not here for my own life," he says with most honesty. Does he has a life at all?
"We know." He hears a familiar voice.
Out of nowhere, a man appeared. Unlike sa huli nilang pagkikita, this man becomes more mature. Dati ay teenager lang ang gusto nito, pero mukhang mas pinili nitong maging mas mature pa nang kaunti. And it suites him.
"Ayden." He calls out his name."
Madaming images ng nakaraan ang pumapasok sa kaniyang utak. Gusto niyang makita ang Ayden na magagalit sa kaniya nang husto – dahil iyon naman talaga ang kaniyang inaakala, pero hindi nangyari.
Hindi nakitaan ang mukha nito ng kahit anong pagsisisi at hinagpis. Hindi katulad ng kaniya. Ayden's face seemed warm and contented something that he doesn't expect for a cursed demigod.
"Hey, love." Ngumiti ito kay Fate at saka kinintilan ng halik sa pingi.
"Hoy! Taong-isda! Bakit ang tagal mo? Nauna pa ako sa 'yo rito!" bulyaw ng kaniyang asawa.
Napakamot si Ayden ng kaniyang ulo. "Nagkaproblema sa office, mahal. Kailangang mag-OT."
"Seriously, Fish-guy?" Napataas na ng kilay ang asawa, sabay napahalumikipkip na. "Alam mo naman na may inaasahan tayong bisita at ngayon mo pa talagang naisipang mag-OT?"
Hindi tuloy alam ni Nathan kung papakinggan niya ang eksena ng buhay asawa. Napailing-iling siya habang pinipilit ni Ayden na mag-explain sa asawa. Hindi niya naisip na maging under ang isang ito para sa babae. He wants to laugh but he can't. He wants to hate it, but it's hard.
A part of him hopes for a family – still cling on that idiotic hope.
Such stupidity.
Iniwan niya muna ang dalawa. At habang naglalakad na siya sa isang silid na kung saan ay nandoon ang reyna, nakaramdam na lamang niya ang pag-uuga ng paligid. Mistulang napakalakas na paglilindol ang nagaganap. Nawawalan siya ng balanse. Ang ilan sa mga kagamitan at dekorasyon ay isa-isa nang naglaglagan at nababasag naman ang mga gawa sa salamin.
Nabutas ang malaking aquarium na nasa hallway, sa pangalawang pagliko ni Nathan. Nagkaroon ng malaking pagbaha ang loob, at kasama siyang natangay.