"Kilala mo si Ayden?" kunot-noong tanong ng lalaki kay Nathan. "Isa ba siya sa misyon mo na kinakailangan mong paslangin kaya ka nandito?"
His intense gaze meets his eyes. Hindi niya masisisi ang isang ito. He is a god hunter, after all. And Ayden is still a god, kahit pa nakapangasawa ito ng isang gorgon descendant.
Pero, nararamdaman din ni Nathan na may mali – may kakaiba. Hindi pa niya mawari ang kabuaan ng sitwasyon, pero hindi lang dapat siya ang wala tamang lugar.
"Ano'ng meron sa isang demon hunter at naging tagapagbantay ng isang anak ng diyos ng Underworld?"
Halatang nagulat ang kaniyang kaharap sa tanong. Pero, katulad din ng reyna, mabilis din itong napalitan ng walang emosyon ang mukhang nito -- na bagay sa katulad nitong tagapaslang ng mga caco demons.
"Huwag mong ibalik ang tanong, pare." Mas lalong depensibo ito habang nakatingin sa kaniyang mga mata. "Kayo ang may kailangan, kayo dapat ang sasagot. Wala kang karapatang tanungin ako pabalik."
Hindi nagustuhan ni Nathan ang tono at pananalita ng isang ito. Masyado itong guarded. He knows that this man just wants to make sure of Ayden's safety. But, time is running out for them.
"Look, we mean no harm. At hindi namin alam na kay Ayden ang mansiyon na 'to."
"Huwag nga tayong maglokohan dito. Sigurado naman na may kailangan kayo sa kaniya."
"You talk too much." Sabat ni Xoria. "Dinala lang kami rito at hindi namin alam kung bakit. Ngayon, kung may problema ka, puwes hindi ikaw ang gusto naming makausap kundi si Ayden. At sino nga ba iyang tinutukoy niyong Ayden?"
"Saang lupalop ka ba nanggaling at hindi mo kilala si Ayden Clyde Hunter?"
"Bakit? May kailangan ba kaming malaman?Sino ba iyang sinasabi mo?"
Natahimik ang dalawang lalaki.
Ang nakaraan ay nakaraan na lang dapat, pero bakit nga ba siya binabangungot hanggang ngayon? Kailangan ba niyang pagdaanan ang lahat ng ito para lang tulungan ang babaeng 'to?
Mas lalong nananahimik si Nathan.
"Sumagot ka, tagapaslang ng diyos." Halata sa mukha nito ang pagdududa. "Hindi ko kayo papasukin ng mansiyon, hanggang hindi ka sasagot."
Palihim niyang minamasdan ang reyna. Wala sa tanong ang pokus ni Nathan kundi sa babaeng katabi niya ngayon. He badly wants to know if she believes on this guy and will despises him away. At habang iniisip ni Nathan iyon,parang ayaw na niyang tingnan sa mga mata ang reyna. All of the sudden, his nightmares come to life. His fears of being nothing pain his heart and he cant't breathe.
And he only wants to breathe...
"Magkakilala kami ni Ayden," mahina niyang tugon sa lalaki, pinipilit na pakalmahin ang sarili. Hindi naman niya pwedeng sabihin na in good terms sila ng kapatid ni Nyx. At Malabo na talaga iyong mangyari. 'Kilala ko siya, pero hindi ko siya matalik ng kaibigan."
"E bakit ngayon lang kita nakita? Bakit ngayon ko lang kayo sumulpot?" Tuloy-tuloy niyang interogasyon.
"Bakit ba ang dami mong tanong?" Napansin ni Nathan na hinawakan nang mahigpit ni Xoria ang kaniyang sandata. "Nauubusan na akong oras sa 'yo. Alam mo ba iyon? At oras na mangyari iyon, papaslangin kita."
Lumingon sa kaniya ang lalaki na may halong pagkadismaya. "Narinig mo ba ang sinasabi ko kanina? Hindi mo dapat pagkatiwalaan ang katulad niyang tagapaslang. At ikaw, miss, sabi ko sa 'yo, huwag kang sasama sa lalaking iyan. Traydor ang isang iyan."
"Ikaw ang tumahimik. Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo. Hindi ko alam kung ano ang god hunter o demon hunter. Mundo niyo iyong dalawa. At may sarili rin akong mundo. Ngayon, hindi kita kaanib, mas mabuti pang paslangin na lang kita ngayon pa lang."
Napakamot ng ulo ang lalaki. "Miss, kalma lang. Hindi ikaw ang tinatanong ko kundi ang kasama mo. Intindihin mo ang aking sitwasyon. Isang god hunter ang magpapakita sa isang diyos. Ano na lang ang sasabihin ng may-ari ng mansiyon na 'to?"
"Masyado kang madaldal. Buksan mo na ang gate."
Napailing-iling ang lalaki at lumingon pabalik kay Nathan. "Saan mo ba iyan napulot at hindi nakikinig? Batas kung batas."
At kahit gano'n ang pagkakasambit nito. Pakiramdam ni Nathan ay parang may kakaiba pa itong tingin na pinukaw sa reyna. Isang tipong tingin na gugustuhin niyang balutin na lang ni Xoria at itago sa kaniyang likuran.
Or what is he thinking?
"Silver?" Napalingon silang lahat sa boses ng babae nanggagaling sa loob ng gate. 'Ikaw ba iyan? Nandiyan na ba ang mga bisita ni Ayden?"
Kumunot ang noo ni Nathan sa sinabi ng babae. Kulot ang mahaba nitong buhok na hanggang beywang. May angkin din itong ganda. Katulad ng reyna, may aura rin itong kakaiba. It's more on darkness rather than in light.
"Fate?" sambit ng lalaki. Ngayon, alam na nila ang pangalan nito. "Kanina ka pa diyan?"
Umiiling-iling ito pero hindi naman ngumiti. In some odd ways, he reminds her of the queen.
'Hindi naman," mahina nitong tugon, saka nito tinititigan sina Nathan at Xoria. "Umuwi lang ako saglit para tingnan kung buhay pa ang bahay habang wala pa si Ayden. Walang babalang binuksan niya ang gate na para bang hindi man lang nito inalintana kung may panganib ba o hindi. "Pumasok na kayong dalawa. Hayaan niyo na ang isang iyan diyan. Ang utos sa akin ni Ayden na papasukin kayo sa bahay."
Mainit ang pagtanggap ng babaeng ito na siyang ikinabahala ni Ayden nang husto. No one had done that for years, maliban na lang kung hinihingi itong kapalit.
"Fate, sigurado ka bang papasukin mo ang isang tagapaslang ng diyos?"
"Silver," tawag ng babae. "Hindi ka ba nasabihan ni Ayden kung sino iyang kaharap mo ngayon?"
"What do you mean? May kailangan ba akong malaman?"
Mas lalong umiiling-iling si Fate. "Anak iyan ni Zeus, pinsan iyan ni Ayden"
Parehong nanlaki ang mga mata nila ni Nathan. Hindi siya makapaniwalang alam ng babaeng ito ang isa pa niyang pagkatao.
Samantalang mas shock naman si Silver. Ramdam iyon ni Nathan. "What the hell is going on here? Isang anak ng diyos ang tagapaslang ng diyos? Are you kidding me? At hindi lang basta-basta diyos, si Zeus pa talaga?"
"Tama na iyan, Silver. They are harmless."
"Like fuck."
"Paano mo nalaman iyan?" pagtatakang tanong ni Nathan. Alam niyang mas naguguluhan na rin si Xoria, pero hindi lang pinaahalata.
"Because I am Ayden's wife."