xvii. the hunters

1265 Words
Sa kalaghitnaan ng dagat at sawa . . . . Magkahawak ng kamay pa rin silang dalawa nang nag-teleport sila sa ibang dimensiyon – pabalik sa mundo ng mga tao. "Nasaan na tayo? Ano'ng nangyari? Nasaan ang cursed god na 'yon?" Sunod-sunod ang mga tanong ng reyna sa kaniya, habang naiwan din siyang blangko at tuliro sa mga nangyayari. Pagkatapos ng mga mala-riddles na sagot ni Nyx, hanggang ngayon ay wala pa ring pumapasok sa kaniyang utak kung bakit dito sila napdapad at hindi sa mas may sense na lugar. They were already in the game and Nyx started a new one. He hissed in disappointment and anger. Talagang ginamit ng taong iyon ang pagkakataon upang maghigante. "Alam mo ba kung nasaan tayo?" muling tanong ni Xoria. Napabuntong-hininga si Nathan. Napatingin siya sa mga ulap. Madilim, subalit alam niyang tinatakpan lamang ang kabilugan ng buwan. Nasa harapan nila ang isang malaking gate na kulay itim. Sa gilid ng gate ay matatagpuan ang kakaibang iskultura ng pigurang hindi niya mawari kung isang halimaw o mas higit pa doon. Isang batang babae na may buhok na puro ahas, pero may mga kaliskis na isda ang balat. At nang lumabas na sa mga ulap ang liwanag ng buwan, mas lalong nagbigay ito ng kakaibang pakiramdam kay Nathan. He had sense something not right. At hindi lang siya ang nakaramdam ng panganib, even the queen herself prepared for a battle. Sa liwanag ng kabilugan ng buwan, hindi nila napansin kaagad ang nilalang ng nakatayo sa pinakatuktok ng gate – bumabalanse, o halos lumulutang na sa ere. Pigura ng lalaki, mabilis ang naging pangyayari. Unang segundong pagtingala hanggang sa kasunod na segundong depensa. Ang lalaking nakatayo sa may gate ay nasa harapan na niya ngayon – lumalaban, nagpapatagisan ng galing. "Sino kayo?" tanong niya. Ang isang palad nito ay nakatutok lang kay Nathan. Malakas ang puwersa ng lalaki. Sa isang simpleng paglagay ng kamay sa ere, para nang sumasayaw ang lahat ng bagay na nandoon. "Hindi dapat kayo naririto." Ang lahat ng mga bato sa paligid ay parang nagkaroon ng buhay at lahat iyon ay mabilis na lumipad, binabato sa kaniyang gawi. Mabuti na lang at mabilis ang kaniyang reflexes sa katawan at naharang niya ito gamit ang kaagarang paggawa ng barrier gamit ang kaniyang sariling kapangyarihan – mga kidlat ng kumakalat sa kaniyang mga kamay. Dahil sa kaniyang malakas na kapangyarihan, bahadyang lumiwanag ang buong kapaligiran at napasin ni Nathan ang pagkagulat nito sa kaniyang natatagong puwersa. Kumikinang ang silver nitong hikaw sa liwanag ng kaniyang mga kidlat. "Paano nangyarihang isa kang god hunter pero mayroon kang kapangyarihan ng isang diyos?" Ngumisi si Nathan nang wala sa oras nang mapagtanto kung sino ang kaniyang kinakalaban ngayon. Hindi niya inaasahan na makakatagpo siya ng isang demon hunter, lalo na at territorial ang mga ito. Mas lalo niyang pinalaki ang kaniyang mga kidlat na yumayakap na sa kaniyang buong braso. Binalik niya ang mga bagay na binabato sa kaniya at gamit ang sariling puwersa, binuhos niya lahat iyon sa direksiyon ng lalaki. Walang magawa ang bagong kalaban kundi iwasan iyon at bumaba sa lupa. At doon sa sitwasyon na iyon, umatake rin ang reyna. Ang hugis-tattoo nitong korona ay nagliliwanag na rin sa kaniyang noo. Pagkababa ng lalaki, ginamit ni Xoria ang kaniyang kapangyarihan at bumuo ng kakaibang kadena na gawa sa naiibang tela na kulay pula. Humaba iyon at nakarating sa katawan ng lalaki. Pinilit nitong kumuwala pero mas lalong naging mas mahigpit ito. "Do me a favor. Gumalaw ka pa nang gumalaw hanggang sa sasabog na lang ang katawan mo nang kusa." Naglakad papalapit si Xoria sa lalaking kaniyang hinuli. Ang mga mata nitong kulay pula ay mas lalong naging mas matingkad na kulay nang titigan ito ng reyna. Hindi na gumalaw ang lalaki pagkatapos nang sinabi ni Xoria. "Not bad for a woman," he grinned. Hindi man lang nito alintana ang sitwasyon. "But your weapon reminds me of someone..." "Wala ka na sa posisyon para maging kalmado." Lumapit si Nathan sa lalaking patusok ang buhok at kulay dugo ang mga mata. "Base sa iyong kakayahan, isang diyos ang nag-train sa ýo." "At hindi katulad mo, god hunter, ang hindi ko gusto ko ang makipagsalamuha sa 'yo. Ang nararapat sa ýo ay mawala sa lipunan na 'to. Isa kang salot sa mundo ng mga diyos. Nakakasuka ang iyong preseniya." Sa hindi maipaliwanag na dahilan, lumingon si Xoria sa kaniyang gawi pagkatapos sabihin ng lalaki ang isa pa niyang katauhan. "Isa kang tagapaslang ng mga diyos" pagtatakang tanong ni Xoria. Hindi makasagot kaagad si Nathan. Kung sasabihin ba niya ang katotohan, lalayo rin ba ang babaeng ito? "Dapat ay hindi ka nagtitiwala sa isang katulad niya na may kakayahang maging traydor." Mas lalong natigilan si Nathan. "You know nothing about me," he scowled. "You are a god hunter. Isang bagay na ayaw ko." "Is it because you are a god's pet?" Hindi na mapigilan ni Nathan na mainis. "Tuta ang katulad mong sunud-sunuran sa bawat utos ng diyos." Parang mas nagliyab pa ang mga mata ng kaharap. "Hindi ako tuta. At mas lalong hindi ako sunod-sunuran ng kung sinuman." "Pwede ko na ba kayong patayin?" Napatingjn silang dalawa sa gawi ng reyna na para bang walang emosyon. "Mas maingay pa kayo sa mga aso ko sa palasyo. Ang sarap niyong pugutan ng mga ulo." "Ano'ng ulo ba ang gusto mong pugutan?" The stranger teased her. "Pwede na rin kitang tabasan ng dila." Sa sinabi ng reyna, imbes na matakot ang dalawa, sabay pa silang nagtawanan sa warning nito. Sa sobrang lakas, nakaramdam na lang si Nathan na kakaiba sa kaniyang sarili. "Please, woman. Kalagan mo na ako. Hindi kita kaibigan, pero hindi rin kita kaaway." "Hindi rin kita pinagkakatiwalaan." "Kaninong bahay 'to?" sabat ni Nathan. "Bahay mo?" "Sa tingin niyo ba ay makakapasok kayo diyan nang wala ang tulong ko?" pagmamayabang pa nito. Hindi iyon nagustuhan ni Nathan kaya ginamit niya ang kaniyang kapangyarihan upang subukang buksan ang gate. Sa kasamaang palad, nagmistulang barrier ito na gawa sa tubig at hinarang lamang ang kaniyang kidlat. Malulutong na tawa ang ginawad ng taong hindi makagalaw. "Nagsasayang ka lang ng oras, god hunter. Kung papatayin niyo ako, mas lalong hindi kayo makakapasok." "Tara na!" aya ng reyna. "Bakit pa tayo magpapakahirap? Hanapin na lang natin ang tatlong binanggit kanina." "Hindi tayo dinala rito ng walang-hiyang iyon kung wala lang sa kaniya. Sa tingin ko, kailangan nating pasukin ang mansiyon na ito. At baka may sagot tayong makukuha rito." Tumahimik ang reyna saglit at walang imik na kinalagan ang kaniyang bihag. "Gumawa ka pa ng kakaibang hakbang, kakainin kita." Parang nanlaki pa ang mga mata ng lalaki kasabay ang pagngiti sa kaniya. "Iba ka rin kung magsalita. Gusto ko iyan. Malakas ka. Ano'ng uring nilalang ka?" "Kaninong bahay ito?" sabat na naman ni Nathan. Hindi pa rin niya kayang pagkatiwalaan ang isang ito, lalo na sa reyna. "Pwede ba kaming pumasok?" tanong ng reyna. Ngumisi na naman ang lalaki na lalong mas naging asiwa kay Nathan. "Pwede, magandang binibini. Pero sa isang kondisyon." "Ano iyon?" "Ano'ng uri ka ng nilalang?" "Isa akong reyna," walang kagatol-gatol na sagot ni Xoria. Lumingon ito sa kaniya at naging seryoso na naman ang mukha nito. Nagtama ang kanilang mga mata ni Nathan. "Isang reyna at isang god hunter. Paano nangyari iyon? At ano ang iyong nais sa bahay ng mag-asawang sina Ayden at Fate?" Parang nanlaki ang mga mata ni Nathan nang mabanggit nito ang pamilyar na pangalan. "Ayden. Ang prinsipe ng Atlantis?" Tumango-tango sa kaniya ang lalaki. "At anak ni Hades.."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD