xvi. cursed god's riddle

1115 Words
"What do you mean na hindi mo matutulungan ang reyna?" Ramdam ni Nathan ang pagkakulo ng kaniyang dugo dahil sa sinabi ng kaniyang kaharap. Hindi puwedeng mapunta lang sa wala ang lahat. Nasa balkunahe silang tatlo ng reyna, samantalang nasa kusina naman ang mag-ina. "Inuulit ko, hindi ko kayo matutulungan diyan," matigas na magkakasabi ni Nyx na para bang wala lang sa kaniya ang pagguho ng ibang mundo. "Mawawalan ka ng ulo sa pambabastos mo sa reyna," mahinang tugon naman ni Xoria. "Ikaw ang nakasaad sa propesiya. Ikaw ang cursed god. Paano nangyaring hindi mo kami matutulungan?" At this time, Nathan wants to hold her hand wanting to tell her that everything will be alright. Kahit pa sabihing wala itong emosyon, alam niyang dismiyado ito sa nangyayari. She hopes for it. And that stupid hope fades from her very eyes. If only he can shed a tear for her, pero kahit siya ay wala ring mga luha na maibibigay. Napalingon siya sa ibang direksiyon at nakita ang makahulugang ngiti ni Nyx sa kaniya. "What are you smiling at?" Salubong pa rin ang mga kilay ni Nathan. This is his first attempt to help someone and he fails. Hindi niya kailangan ang kaniyang teleportation para makalapit kay Nyx nang ganoong kabilis, at saka niya ito sinuntok sa mukha. "Help her." Mas lalong nabwisit si Nathan nang makitang hindi man lang niya napuruhan si Nyx. Imbes na mainis, lalo lang siya nitong inasar nang mapansin ang makahulugang ngiti sa mga labi nito. "Hindi ko aakalain na babaguhin ka kaagad ng tadhana. Ibang-iba ka na kaysa sa dati." "Yeah . . . but you still give me this urge to kill you whenever we meet." Tumawa lang si Nyx nang malakas. Iyong tipong tawa na hindi niya nakita noon dahil puro sakit at dalamhati lang ang binigay niya sa kaniyang pinsan. It seems strange on his part, but somehow a relief. "You know, if you want to live life, then don't just try to breathe." "Huwag mo akong pangaralan, Nyx. I know what I'm doing." "Are you?" Natahimik na naman siya sa kakaibang asta ni Nyx. "Pasensiya na pero hindi ko talaga kayo matutulungan na dalawa. Lalo na kung hindi sinabi ng magandang binibini na ito ang eksaktong tulong na kailangan niya." Napahinto si Nathan at napaisip. Lumingon siya sa gawi ni Xoria na nakatayo lang sa gilid ng upuan, imbes na umupo. Hindi rin nito kinain ang hinandang merienda ni Cassandra – kape at cookies, na mukhang homemade. "Ano nga ba ang eksektong tulong na kailangan mo? At paano mo nalaman na isang cursed god ang kailangan mo? At paano natin malalaman na iyon na ang kailangan mo para sa Wonderland?" Napansin kaagad ni Nathan ang pagkumpas ng mga daliri nito sa ere. He knows that she has a secret, yet to be revealed. Pero hindi siya magsasalita, mawawalan ng silbi ang kagustuhan niyang tulungan siya. Napabuntong-hininga muna siya para pakalmahin ang kaniyang sarili. Hindi niya alam kung bakit niya ito ginagawa pa. Kung tutuusin, wala itong emosyon. Wala itong pakialam. "Kailangan ko ang isang curse god para tulungan ako sa Wonderland." Lumapit si Nyx sa gawi ni Xoria. Walang magawa ang reyna kundi titigan ang mga mata nitong itim na itim. "Mahal na reyna. Nandito ka na rin. Nasimulan mo na rin ang misyon na ito. Bakit hindi mo na lubusin? Ano ba talaga ang iyong kailangan?" "Ano ba ang gusto mong ipunto?" Ngumiti si Nyx na para bang may alam pa siya kaysa kay Nathan. "Kakaiba ang takbo ng kapalaran. Madalas ay hinahabol, pero ang iba naman ay binabago. Pero, nakakatuwa ka, mahal na reyna. Tinatakbuhan mo ang kapalaran." "Hindi ko tinatakbuhan ang kapalaran ko, diyos. Kaya nga nandito ako para harapin at ipaglaban ang mayroon ako. I took a risk." "You don't," seryosong tanggi ni Nyx. "You ran and hide." "How dare you, para sabihin iyan sa reynang katulad ko. You know nothing. Ni hindi mo nga ako kayang tulungan." Galit na ang reyna, pero parang wala pa ring emosyon na nararamdaman. Hindi tuloy mawari ng kausap kung seseryusohin ba ito o hindi. "Wala kang emosyon pero hindi ibig sabihin noon ay hindi kayang i-transmit sa utak ang nais mong ipabatid. At isa pa, hindi naman ako ang kailangan mo. Nagbasakali ka lang pero hindi naman talaga ako ang eksaktong nakasaad, hindi ba?" Natigilan si Nathan sa eksena ng dalawa. Pakiramdam niya ay may alam talaga si Nyx, pero gusto niyang si Xoria ang mangunang magsalita. There is definitely something between these two, pero hindi lang niya alam kung ano iyon. Gusto sana niyang magtanong pero naunahan siya ng kaniyang pananahimik. "Gusto mong malaman ang kasagutan sa iyong katanungan at tulungan ang iyong kaharian, kailangan mo munang maglakbay at hanapin ang tatlong cursed god na nabubuhay sa mundong ito. Hindi ako kasali sapagkat ako ay nakatakda nang maging cursed god, bago pa man ipinanganak. Hanapin mo ang tatlong iyon na mas piniling maging ganoon kaysa sa piliing maging normal na nilalang. Sa tatlong iyon, bawat isa sa kanila ay kayang makapagbigay ng kasagutan. Maglaro ka muna ng puzzle, reyna. Pero pira-piraso ng buhay mo ang nakatayang ipusta. Nakatadhana tayong magkita hindi para tulungan ka, kundi para maging hudyat na tumatakbo na ang iyong tadhana. Huwag kang magtago. Huwag kang aalis. Bibigyan kita ng clue." "What are you talking about?" naguguluhang tanong ni Nathan. Unti-unting naglalaho ang katawan ni Nyx sa kanilang harapan. "You help her. Baka malaman mo rin ang sagot sa sarili mo ring katanungan. The pages are moving. It's up to you kung hanggang isang chapter ka lang at mas piliin mong huwag nang alamin ang wakas. Mas malalim ang inyong kahaharaping laban. Kayanin ninyong dalawa. " "You come back!" sigaw ni Xoria, "Hindi pa tayo tapos!" "Dumaan muna kayo sa kalagitnaan ng dagat at sawa. Kung ayaw niyo naman ay hanapin niyo ang panaginip na naglalakad. O ang babaeng hiyas na nawala ang mga alaala sa kawalan. Mamili kayo kung saan kayo mag-uumpisa. Lahat sila ay may pagkakapareho, ngunit magkakaiba. Pagbuklurin niyo ang tatlo at malalaman niyo ang sagot sa bawat katanungan." "Nyx!" Si Nathan ang sumigaw. "f**k you! Wala akong planong makipaglaro sa 'yo!" Tinawanan lang sila ni Nyx na nakaisa sa kaniya. Naiwan silang dalawa at tuluyan nang naglaho si Nyx na nag-iwan nang sandamakmak na mga tanong sa kanilang dalawa. Bago pa man siya makapagreklamo, natinginan sila ng reyna nang mapagtantong pati ang kanilang mga katawan ay unti-unti nang naglalaho. "N-Nathan?" She calls his name. "I'm here..." he whispers. Parang tanga na hindi nag-iisip, mabilis niyang kinuha ang kaliwang kamay ng reyna, bago pa man sila tuluyang naglaho sa kawalan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD