xv. god hunter

1074 Words
Life is cruel and fate is a bastard in hell. Nathan knows that one long enough and he somehow accepts that heaven and solace are something that he can't have – even in different timelines. Muli na naman silang pinagtagpo ni Nyx, ang anak ni Hades na naging karibal niya sa lahat ng bagay. Tumayo na ito sa pagkakahiga habang naglalakad na silang tatlo papunta sa gawi ni Nyx. Mabigat man ang loob, hindi man siya mapakali ay mas pinili niyang huminahon sa sitwasyon. If there is one thing that he has learned before, ito ay huwag maging padalus-dalos sa desisyon. Kapag natatabunan na siya ng sandamakmak na emosyon, kailangan niya iyong ilabas. Nawawalan siya ng control sa sarili at nagiging isang walang kuwentang nilalang pagkatapos. He learned it in a hard way. Mahirap . . mahirap kalabanin ang isang matinding pagsisisi. "Nagkita rin tayo, pinsan," sambit nito sa kaniya nang makarating sa puwesto nito. Nagkatingan silang dalawa. Iyong tipong tingin na tinatantiya kung hanggang saan aabot ang pag-iisip at paglalakbay sa nakaraan. Pero katulad nang pagkakilala niya kay Nyx, hindi niya pa rin kayang basahin kung anuman ang takbo ng isipan nito. "Ang muling nabuhay," usal nito. Tumayo si Nyx sa kaniyang harapan na para bang umaastang wala silang naging hidwaan noon. "Nathan. . . bakit ngayon ka lang nagparamdam?" "At bakit naman ako ang magpaparamdam?" taas-kilay niyang tanong. Ang weird ng unang bungad ng kaniyang kaharap. "And why not? You are still who you are." "Am I?" mapakla niyang sagot. "My life is good. Ayokong masira pa." "Kakikita lang natin, huwag nang mabadtrip." "Alam ko namang hindi welcome ang katulad ko," sagot niya. "Ikaw lang ang nagsabing hindi ka welcome. Hindi mo pa na-try, sumuko ka na." Hindi siya sumagot. Isa na siyang tagapaslang ng mga diyos. Kaya bakit kailangan pa niyang umaaligid sa mga dati niyang kauri? There is no sense about it. Nakakatawa ang kaniyang ama. Muli siya nitong binuhay bilang tagapaslang ng mga kauri nila, kaya nasaan ang purpose niya bilang isang anak ng diyos noon?" "Isa ka pa ring diyos," biglang banat sa kaniya ni Nyx. Nagtitigan silang dalawa ni Nathan na para bang nababasa nito ang takbo ng kaniyang utak na dati naman ay hindi. "Kailanman ay hindi nabawasan ang katotohanang anak ka ni Ze--" "Oh, just shut up," pagputol ni Nathan sa anuman ang sasabihin ni Nyx. He looks at him from head to foot. Ngayon lang niya napansin na hindi nakapurong itim ang kasuotan ang anak ng diyos ng Underworld. Nakaputing T-shirt lang ito at naka-blue na pantalon. Nakayapak. Subalit, hindi pa rin nawawala ang lakas ng aura nito. "I can sense. Your powers are getting stronger." Nyx seems amused at him, too. "At tayo ay magkadugo pa rin, saan mang buhay tayo at pagkakataon mapadpad." "You never treat me as family," mapakla niyang banat. "Because fate never give us that chance..." Because he never gave him a chance... Napahalumikipkip si Nathan. Gusto niyang kalimutan ang nakaraan pero mukhang kanina pa siya binibwisit ng kaniyang kausap. "Ehem . . ehem," sabat ni Cassandra sa kanilang dalawa. "Hindi lang kayong dalawa ang nasa eksena. Nandito rin kaming dalawa." Napansin kaagad ni Nathan ang matatamis na ngiti na pinataw ni Nyx sa kaniyang kabiyak, kasabay ang paghawak sa kanang kamay nito. "Ikaw naman, mahal. Huwag ka nang tampururot diyan." "Hindi ako tampururot. Akala mo, ikaw na ang pinakagwapo nilalang na nakita ko!" "Hindi nga ba?" he teases her. "Kaya ka nga nagpakasal sa akin." "Tigil-tigilan mo ako. Ikaw 'tong patay na patay sa akin noon." Parang batang pumulupot ang mga braso ni Cassandra sa beywang ng kaniyang asawa, At sa sandaling iyon, nagbago ang ihip ng hangin. It feels warm, when he looks at them. Nyx gently kisses his wife's forehead. "Patay na patay pa rin sa 'yo . . . hanggang ngayon." Mabilis na namula ang mukha ni Cassandra, kasabay ang paghampas nito sa braso ng kaniyang asawa. Nandoon lang si Nathan. Nagmamasid. Ito pala ang sinasabi nilang happy-ending. If somehow, nandoon pa rin sa puso niya ang inggit sa sarili niyang pinsan. Nyx has everything that he ever desires to have. But he only has cruel fate. At kailangan na niya iyong tanggapin, para mas lalong maibsan ang sakit. Isang malalim na buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan, bago siya napalingon sa gawi ng reyna. Tahimik at walang emosyon na nakatingin kay Nyx. "Ikaw ba talaga ang cursed god na sinasaad ng propesiya na makakatulong sa akin?" tanong niya kay Nyx. Hindi man lang nito alintana na naistorbo niya ang pagiging sweet ng mag-asawa. Parang kamuntik nang matawa si Nathan habang nakatingin sa reyna ang mukha ni Cassandra na punong-puno ng pagtataka. Hindi pa rin nito batid na ang kaniyang kaharap ay walang pakialam sa emosyon ng iba. Muling nawala ang ngiti ni Nyx at tiningnan ang reyna nang makahulugan. "Mukhang kailangan nating mag-usap sa loob." Nauna siyang humakbang papalapit sa bahay na may tatlong palapag, habang hawak-hawak pa rin ang kamay ng kaniyang asawa. "Alam kong nagmamadali kayong dalawa, pero kailangan niyo munang pumasok sa loob at may sasabihin akong mahalagang impormasyon." Natigilan si Nathan. Nagdadalawang isip. Ang inakala niyang sagupaan sana ay hindi niya aakalaing mauuwi sa kapayapaan. Is this really happening? "Hoy!" sigaw ni Xoria. "Ano pa ang tinutunganga mo riyan? Sumunod ka na dali! Nauubusan na tayo ng oras." Kumunot ang noo ni Nathan samantalang nakatayo naman sa hindi kalayuan ang reyna. Wala talaga itong emosyon. Ni hindi man lang nito naisip kung ano ang nararamdaman niya sa mga oras na ito? Pero, ano nga ba ang kaniyang mapapala sa Pulang Reyna? Wala siyang magawa kundi ihakbang ang kaniyang mga paa, papalapit sa babaeng naghihintay sa kaniya. And for some odd reasons, he feels something strange, hindi dahil wala itong emosyon kundi sa katiting na pagkakataon na may taong naghihintay sa kaniya. And somehow, something strange hits him from the inside. "Ang bagal mo," irritable nitong tugon. Pero, mas irritable siya na sa tuwing magsasambit ang reyna ng salita ay wala talagang makikitang emosyon sa mukha nito. "Bilisan mo diyan." "A-Ayokong inuutusan ako." Kamuntik pa siyang traydurin ng sarili niyang boses. "Hindi mo ako tauhan at mas lalong hindi mo ako alipin." Huminto ang reyna. Walang magawa si Nathan kung 'di huminto rin ang pagmasdan ang mukha ng reyna. "You talk too much," pag-uumpisa nito. "Ganito ka ba kapag hindi mo nakokontrol ang iyong emosyon?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD