Nathan can't believe with his own eyes. Not in a million times sa isip niya na magbabalik pa siya sa lugar na ito. His past is his greatest nightmare –na hanggang ngayon ay binabangungot pa rin siya.
He takes a deep sigh, as he glances unto the perfect sunset. It is always been this faultless in this island. So perfect that he just wants to break down from everything that he has lost. Ang perpekto ng dating na naging perpekto rin ang sakit na namumuo sa kaniyang puso.
Kailangan ba niyang bumalik sa nakaraan para lamang tulungan ang babaeng hindi niya naman kakilala?
He does not deserve this. Hindi niya kailangang makita si Claire at mag-astang manhid habang nadudurog. At ito na naman. Panibagong kirot sa puso niya. Para siyang nalulunod sa malalim na tubig na tanging siya lang ang may alam. Walang nakakaintindi. At batid niyang lagi na lang ganoon ang sistema.
At habang tinititigan niya ang babaeng namamangha sa buong kapaligiran, taliwas sa nakagisnang mundo, mas lalo lamang siyang napailing-iling. He wants to save his dying heart – o baka, matagal ng patay ang puso niya.
Kailangan pa ba niyang bumalik sa nakaraan?
Muli na naman niyang tanong sa kaniyang sarili. This is too much for him. Things are getting more complicated. At habang pinagmasdan na naman niya ang babaeng naging puno't dulo ng lahat, parang gusto niyang umatras at takasan na lang ang gusot na 'to. Kung may pagkakataon, tatakasan na niya ang reyna. Kung may pagkakataon, iiwanan na niya ang problema nila Nyx. This is not his fight. This is not his world to begin with.
"Nathan?" Isang malamyos na boses ang pumukaw sa aking malalim ng pag-iisip.
He turns around and meet her brown orbs for the first, after he was rebirth. Nandoon si Cassandra na nakatayo at nakayapak pa sa puting buhangin. Hindi katulad ng kaniyang huling alaala, maiksi na ngayon ng medyo wavy nitong buhok. Hindi man lang ito nakitaan nang pagtanda sa pisikal nitong anyo. Maganda pa rin si Cassandra, katulad noong huli niyang sulyap sa kaniya.
"Parang wala namang nagbago sa ýo masyado," pangiti pa nitong dagdag. Mukhang alam na nito ang tunay niyang pagkatao. Kumunot ang noo ni Nathan nang mapagtantong umamin na si Ivan sa kaniyang ina, bago pa man siya nito nakarating sa isla.
Hindi makangiti si Nathan. "Ikaw ang walang pinagbago."
Sa isang iglap, naging nostalgic na lang ang lahat. Sa isang segundo, nagbalik ang mga mapapait at masalimoot na alaala sa kaniyang puso. Nakatingin siya sa Cassandra noon, na takot na takot sa kaniyang presensiya at kulang na lang ay isumpa siya sa kaniyang mga kasalanan. Napapikit si Nathan. Lumingon sa ibang direksiyon.
Parang hindi siya makagalaw sa pinaghalong hiya at gulat sa mga mangyayari. Kahit pa sabihing nakaraan na lang ang lahat, siya pa rin ay nakagawa ng kasalanan.
"Madami na ang nagbago, Cassandra." Hindi makatingin nang direkta si Nathan sa mga mata ng kaharap. He lied. Walang nagbago. "Parang ikaw na hindi na tumatanda. Isang hamak na tao na binigyan ng pagkakataon na mabuhay ng panghabangbuhay. Mabait sa 'yo ang tadhana."
Hindi katulad niya.
Siya pa rin iyong dating talunan. Siya pa rin iyong iniiwan ng taong minamahal. Iniiwan sa ere. Walang nagpapahalaga. At kahit ano'ng gagawin niya ay hindi pa rin makita-kitaan ng halaga sa iba.
"Mabait din naman sa 'yo ang tadhana."
Sarkastikong banat ba 'yan?
Hindi mawari ni Nathan.
"Hindi na ako ang dating ako na nakilala mo, woman." Dagdag pa niya, na nagmukha pang nagdidepensa siya nang walang matinong rason kung bakit. "At mas lalong hindi mabait ang tadhana. Namimili nang pagbibigyan ng bait."
"I see," tipid na sagot ng kaniyang kaharap. "Sana ang nakaraan ang ibaon na lang sa limot at magsisimula na lang tayong lahat sa umpisa. Lu---"
"Call me Nathan," sabat niya. Kamuntik na nitong bigkasin ang kaniyang pangalan na ayaw na ayaw niya. His voice is cold like he used to.
"N-Nathan— "she heaves a deep sigh. "Paseniya na. Na-overwhelm lang ako dahil nagpakita ka rin, sa wakas."
"How about you, Cassandra?" he asks. "Masaya ka ba talaga? Dinaig mo pang isang bilanggo sa isla na ito. Mabuti pa ang mga bilanggo sa kulungan, may hatol silang hanggang kamatayan. Pero, ikaw—" he stops, while staring at her eyes again. His bitterness slips through his words.
Natahimik si Nathan. Hindi niya napansin na masyado na pala siyang madaldal. Damn, he talks too much.
"Magkakilala kayong dalawa?"pagtatakang tanong ng reyna ng Wonderlad. "Nasaan na ang bata kanina? Bakit bigla na lang naglaho?"
Napalingon silang lahat sa gawi ni Xoria na bakas ang pagtataka sa inasal nina Nathan at Cassandra. Parang namula ang asawa ni Nyx dahil sa nangyari. Unang lumapit si Cassandra sa reyna, na parang hindi man lang ito naiilang sa isang estranghero.
"She's gone. Mukhang gumala na ang aking anak." Pangiting sagot ni Cassandra. "We are expecting you."
"Anak," pagtatakang tanong na naman ni Xoria. "And why are you expecting me?"
Napailing-iling ang isang babae. "Mali ang pagkakasabi ko. My husband is expecting you."
Kaagad na napansin ni Nathan ang kakaibang tingin ni Cassandra, bago ito sumulyap sa hindi kalayuan. Sa isang puno ng kakaibang kahoy na kumikinang pa sa liwanag ng araw, isang pigura ng tao ang nandoon. Nakahiga sa lilim. Mukhang mahimbing pa itong humihimlay doon. At kahit sa malayo, ramdam na ni Nathan ang pagkaasiwa sa mga nangyayari.
Hindi pa niya handang harapin ang imortal niyang kaaway – who made him feel miserable.
Napakuyom ang kaniyang kamao na nakatitig kay Nyx na para bang walang kamalay-malay sa kanilang presensiya. But, he doubts it. Alam niya ang kapangyarihan ng diyos na nasa tinatagong propesiya ng Olympus.
"Siya na ba ang nakatakda?" tanong ng reyna, na para bang kumikinang-kinang na ang mga mata nito.
Mas lalong nagkuyom ng kamao sa Nathan. Kahit ang estrangherong babaeng ito ay alam ang halaga ng taong hindi pa niya nakakausap kahit na isang beses. Hindi katulad niya. Madaling iwanan. Madaling kalimutan. Madaling mawala sa kasaysayan na mayroon.
Sa bawat pagsulyap niya kay Nyx, para may milyon-milyong karayom na tumutusok sa kaniyang puso habang isang bagsakang pinaalala ng kaniyang utak ang nakaraan. Ang pagkamatay ng kaniyang pinakamamahal. Ang pagiging ganid niya sa pag-ibig. Ang pagtakwil sa kaniya ng kaniyang tunay na ama. Ang walang hanggang pagdurusa. Ang pinaghalong pagsisisi at paghihinayang. Ang pagkabasag ng kaniyang katauhan.
He wants to walk away. Para siyang nagkapira-pirasong buhangin na kailanma'y hindi na mabubuo.
Hindi pa ito ang tamang oras para harapin ang kaniyang nakaraan. May mga bagay na mahirap harapin nang biglaan kahit batid niyang darating at darating ang panahon na mangyayari ito.
He steps back, at mas lalong naramdaman niya ang pagkabwisit sa katotohanang hindi pa niya kayang mag-teleport.
Isa pang lakad paatras, para makahinga sa eksenang ganito, subalit naramdaman niya ang isang kamay na humahawak sa kaniyang braso. Nagtama ang kanilang mga mata ng reyna.
"Dito ka lang," utos ng reyna, na hanggang ngayon ay wala pa ring emosyon ang mga nito na nakatitig sa kaniya. "Dito ka lang, pwede ba."
"Tapos na, Xoria. Nandito na ang hinahanap mo." Walang emosyon din na kinuha niya ang kamay ni Xoria sa kaniyang braso at humakbang papalayo sa reyna. You don't need me anymore."
Napapikit si Nathan ng mga mata.
She doesn't need him... the way that he asks for it.
May kung anong panibagong kirot ang namumuo sa kaniyang puso, at hindi niya mawari kung ano 'yon.