Alas-tres nang madaling araw. Malamig ang simoy ng hangin. Ang lahat ay payapa nang natutulog sa palasyo ng Wonderland maliban sa isa, ang kanilang reyna. Buhaghag ang kaniyang mahabang buhok, tanda ng pagpapabaya sa sarili. Ang pulang bestida na suot pa niya magmula kahapon ay hindi pa rin niya napapalitan. May iilang kagamitan na wala na sa ayos. Nagkalat ang mga bubog ng salamin sa iba't ibang sulok ng silid. Nahulog na sa sahig ang mga kumot at kurtina na punit-punit. Wala na sa ayos ang lahat magmula nang pinagbawalan ang bawat nilalang na pumasok sa loob nang walang pahintulot. Hindi na mabilang pa ni Xoria kung nakailang libot na siya sa kakalakad nang atras-abante sa kaniyang magarbong silid, na napapalibutan ng iba't ibang dekorasyon na may hugis rosas. Madilim ang bu