"Kailangan na nating makabalik sa Yuteria," suhestiyon ni Nathan. This is not over. This is the only beginning. "Hindi ko na maramdaman ang aura ng mga kalaban." Sigurado si Nathan na pupunteryahin ng kalaban ang reyna ng Wonderland. Nakaramdam na rin siya ng pagkabahala sa mga mata ng kaniyang kapatid. Wala ni isa sa mga nasasakupan ni Snow White ang nakakaalam na nasa Yuteria lang si Xoria. "Samahan na kita, Kuya." Katabi niya ang kaniyang kapatid na kanina pa nabibwisit at nag-aalala sa kaniyang kaharian. "Kung tama ang iyong hinala, kailangan nating makarating sa palasyo ko sa lalong madaling panahon. My people is in great danger." Marahang tumango si Nathan. "I'm sorry for the mess." Sumilay ang mga ngiti ni Snow White bago siya nito tinapik sa kanang balikat. "Your mess is