"Carlo, alam mo bang may bagong labas ngayon na couple ring, bilhin mo naman iyon para sa atin. Gusto kong isuot," sabi ni Cathy kay Carlo habang nasa labas sila ng shop kung saan palabas pa lang si Isabella. "Oo naman, bibilhin ko para sayo. Pero alam mo naman na hindi ko pwedeng isuot ang kapareha niya kaya ikaw na lang muna ang magsuot kapag nasa labas tayo. Kailangan nating mag ingat ng hindi tayo makuhanan ng larawan ng mga media." mahabang sabi naman ni Carlo kay Cathy. Papasok na sina Carlo at Cathy sa shop ng mga alahas ng mamataan na ni Carlo si Isabella. Napangiti si Carlo. Sa isip ni Carlo na kaya nandito sa shop si Isabella ay bibili ito ng singsing at magpropropose na kay Carlo. "Isabella? Anong ginagawa mo dito?" tanong parin ni Carlo kay Isabella. Hindi na nagulat si Is

