Sinamahan ni Isabella si Marcus sa isang jewelry shop. Halos ng makakita sa kanilang magkasama ay nagsasabi na bagay na bagay silang dalawa kaya lumalayo si Isabella kay Marcus ngunit sa tuwing lumalayo siya ay lumalapit naman ito sa kanya. Wala na siyang magawa dahil kahit na anong gawin niyang paglayo kay Marcus ay wala naming naging magandang resulta. "Nakakahiya ba akong kasama?" tanong pa ni Marcus sa kanya. "Alam mong pwedeng may makakita sa atin, baka isumbong ako kay Carlo na kasama kita." sagot niya dito. Kunot ang noo ni Marcus na hindi nagustuhan sa pagbanggit niya sa pangalan ni Carlo. "What?" "Hindi ko ba nasabi sayo na kapag kasama mo ako ay hindi ka pwedeng magbanggit ng pangalan ng ibang lalaki?" "But Carlo is my...." "One more name, I will kiss you." pagbabanta ni

