"Halika, ipapakilala kita sa mga malalaking tao para hindi ka manibago kapag kasal ka na sa isang Tuazon." Napalingon si Isabella sa kanyang madrasta na nakalapit na sa kanila. "Go, hayaan mo na kami dito." sabi sa kanya ni Cathy. Kahit na ayaw niyang sumama sa kanyang madrasta ay napilitan si Isabella ng hilain na siya nito sa mga umpukan ng mga kilalang tao. "Sino siya mrs. Nicolas?" tanong ng isa sa mga bisita nila. "Siya ang anak ng aking asawa sa una nitong asawa. Pero ako ang nagpalaki sa kanya at itinuturing ko siyang tunay na anak kaya ipapakilala ko siya sa inyo. Siya si Isabella, malapit na rin siyang ikasal sa isa sa mga apo ng mga Tuazon." "Siya ba ang fiancée ni Carlo? Aba, napakaswete naman ng batang iyon at kay ganda ng mapapangasawa niya." sabi naman ng isa. Nawala a

