"Huh! Hayop kang babae, malandi! p****k!" Sigaw ni Mrs. Corpuz na pumasok sa loob ng kwarto kung saan naabutan nilang magkatabi sa higaan ang asawa nito at ni Cathy. Kasabay ng pagkislap ng mga camera para kunan ang tagpong naabutan nila. "Kaya ka sumikat na isang painter dahil sa pagpatol mo sa mga mayayamang lalaki na may asawa na. Hayop ka, isa kang pokpok." galit na galit na igaw ni Mrs. Corpuz saka nito hinila ang kumot na itinakip ni Cathy sa mukha. "Huwag..." "Ipapakita ko sa lahat kung anong klase kang babae," nakipaghilaan pa si Mrs. Corpuz sa kumot nito. Nagmamadali na ring pumasok ang ina ni Cathy sa pag aakalang si Isabella na ang pinagkakaguluhan ng mga media ngunit ganun na lang ang panlalaki ng mga mata nito ng makita ang anak na siyang katabi ni mr. Corpuz. "Ganyan mo

