DIX'S POV "Good morning Sir. " pormal na bati ko sa principal ng University. "Good morning Mr.Prin, please take a sit." pormal din na bati at utos ng principal sa akin saka ako umupo at diretsong tumingin sa kanya. "May event tayo sa susunod na week and I want you to handle it. Organize the event and all. Don't worry may kasama ka sa pag aayos." diretsong pakiusap sa akin ni principal. That was sudden. "Okay Sir. " tugon ko nalang at saka lumabas ng office. Maaga pa naman, may thirty minutes pa ako sa susunod na subject ko, palabas na ako ng locker room ng makasalubong ko siya. "Zen." usal ko nalang sa kanya. "Ross." si Zen na animoy walang bahid ng pagkailang sa kanya sa tuwing magsasalita siya. Nilakasan ko na ang loob ko at niyaya siya sa canteen para mag usap kami, hanggang ma