Zen's POV Nalilito na ba kayo kung bakit gano'n nalang ang galit ko kila Aloena and Lard? Kung bakit ako nasasaktan? Kung bakit ako ganito? At higit sa lahat kung bakit ako nagbago? Simple lang. Highschool palang ako nung makilala ko si Lard sa isang contest sa University, isa siya sa mga kasama sa competition, isa rin kase ako sa nag oorganize ng contest dahil ako ang secretary ng council. Unang kita ko palang sa kanya alam kong gusto ko na siya, medyo nahihirapan pa nga ako no'n dahil hindi ko maiwasang pasimpleng tignan siya. Tahimik lang siya sa backstage at nakikinig sa sinasabi instructor, hanggang sa hindi ko sinasadyang matapunan siya ng coffee sa damit, nagmamadali talaga kase ako that time. Sunod sunod ang pinapagawa sa akin kaya tarantang taranta ako. Do'n ko lang siya nakaus