Dix's POV Sisimulan ko na ang iniutos ng principal sa akin pero hindi ko pa rin kilala kung sino ang partner ko o katulong ko sa pag buo ng concept para sa event. "Ok, class listen." usal ng professor namin sa Chemistry. Pero wala ako sa wisyo para makinig sa kanya ngayon masyadong marami ang iniisip ko. Ano nga kayang magandang theme para sa event na yon?Napabuntong hininga nalang ako. Nakatulala ako sa kawalan ng maramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko. Ze_Ra Meet me at exactly 6, sa canteen. Bakit kailangan naming magkita? Nakakunot pa ang noo ko habang pinagmamasdan ang text niya. 'Ano naman kayang meron?' "Mr Prin." agad akong napatayo sa tawag na yun ng professor namin, nakayuko ako dahil nakaramdam ako ng hiya sa buong katawan at kaba na rin syempre para mamaya.