Zen's POV "Hello!? " malakas na sigaw ko ng sa wakas ay sagutin na ni Dix ang tawag ko " Jusko naman Dix! Saan ka ba nagsususuot!? Hindi mo ba alam na may nagaalala sayo!? saan ka ba nagpunta!? bakit bigla ka nalang nawala!? " sunod sunod na tanong ko sa kanya. " S-sorry..." mahinang sabi niya sa sa kabilang linya. "Ayos ka lang ba ha? " nagaalalang tanong ko sa kanya " nasaan ka ngayon? pupuntahan kita.." malumanay na tanong ko. "N-nasa bahay a-ako " parang nanghihinang sagot niya kaya naman dali dali akong sumakay ulit ng sasakyan at pinaharurot papunta sa bahay nila Dix. Malakalipas ang ilang minuto ay narating ko na rin ang bahay nila Dix, tahimik at walang ilaw sa labas kaya naman madilim kahit saan ka tumignin. Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at pumasok na ako sa loob ng