Rae's POV Nasa ayos na ang lahat, malinis at handa na ang lahat ng plano namin. Kaunting oras nalang mapapabagsak na namin ang mga kalaban namin. "HAHAHA! "mala demonyong tawa ng aking ama, pinagmasdan ko lang siyang tumawa ng tumawa. "Tss.." napailing nalang ako ng hindi pa rin siya tumigil sa pagtawa niyang parang halimaw. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot. Halu halo ang emosyon ko, parang gusto ko ng umurong. 'Nandito na---wala ng atrasan to' Napabuntong hininga ako, tumingin sa malayo habang malalim ang iniisip. Gusto rin kaya ni nanay ang ginagawa naming to? ' Tch ! ' Kung kasama pa namin siya---papayag kaya siya sa plano naming to? Pati rin kaya ang kapatid ko? Sa tingin ko ay hindi, dahil sila ang tipo ng taong kayang magpatawad. Pero hindi gano'n ang aking a