Dix's POV
Nagising ako sa sikat ng araw na nang gagaling sa bintana. Kinusot kusot ko pa muna ang mata ko bago tumayo at mag stretch. Hanggang ngayon di pa rin nawawala ang ilang pasa ko dahil sa nangyari kahapon. Ayoko ng ikwento dahil nakakabagot. Ang hihina ng mga bata ni Nick, may malalaking katawan nga yung iba, eh kung hindi naman marunong umasinta paplakda talaga sila.
Naglakad ako papuntang banyo at nag sepilyo. Saka ko lang nakita ang maliit na pasa sa gilid ng pisngi ko, maliit lang naman hindi nakakabawas ng kagwapuhan. Pagkatapos non ay nag breakfast na ako. Katulad ng dati tahimik at ako lang mag isa.
"Dixon!" nabulahaw ako sa malakas na sigaw na yun ni--
"Kevin." nakangiti kong bati sa kanya at pinaupo siya.
Kevin DelaPeña. Ang kaibigan kong napaka ingay pero kapag sumeryoso yan tumitiklop ako.
"Oh!? Anong nangyari diyan sa mukha mo dre!? May itim!?" tugon niya sa pasa ko sa mukha.
"Maliit lang yan." tugon ko nalang.
"May mga gamit ka na ba? Tara bili na tayo!" aya niya sa akin, kahot kailan ay hyper siya.
"Sige." pagpayag ko naman.
MALL
Magkasabay kaming pumunta ni Vin. May sarili siyang sasakyan at ganon din ako kaya magkasunod lang kami.
Mabilis kaming natapos sa pamimili hindi naman kami katulad ng mga babae na kung ano ano pa ang mga kaartehan na bibilhin. Papasok na sana kami sa clothing store ng mahagip ng mata ko ang isang taong napaka pamilyar sa akin.
"Ano dre tara--!" hindi na rin natapos ni Vin ang sasabihin niya dahil sa tingin ko ay nakita rin niya kung sino ang nakita ko. 'Aloena..'
Papasok na sana kami sa loob dahil naramdaman kong nakita niya rin kami ni Vin pero huli na ang lahat dahil naabutan na nila kami.' Tsk panira ng araw!'
"Oh hi Dix!" maarteng bati ni Aloena na animong walang nangyari sa pagitan naming tatlo.
"I prefer Jayross if you don't mind, only important people can call me in that name." nakangiti munit seryoso kong sabi sa kanya.
Totoo ang sinabi ko mga importanteng tao lang ang pwede tumawag sa aking ng Dix pero hinahayaan ko lang si Nick baka lumala ang problema, pero siya? No way, I'm not a masochist.
Bakas ang pagkagulat sa mukha ni Aloena pero hindi ko parin siya pinansin.
"Hey bro what's up?" pinakadiinan naman nitong si Lard ang salita.
"Fine and bye." tugon ko nalang saka tinalikuran sila.
Ang magandang mood ko kanina ay napalitan ng inis, galit at Awa para sa sarili ko!
Hindi rin ako masyadong kinikibo ni Vin dahil sa nangyari kanina.
"Pre dun muna ako." paalam niya at tinapik ang balikat ko sa umalis. Tinunguan ko lang siya at sinundan ng tingin. Ang kapal ng mukha niya-- nila!
Inis akong pumunta sa bookstore. Para bawiin ang libro ko doon. Meay nagustuhan kasi kong libro doon nagkataon naman na wala na talagang time para bilhin ay ipinatago ko nalang. Sana nandito pa yon.
"Excuse me, Miss?" pormal na tanong ko sa babae na nasa counter. Nilingon niya naman ako.
"Anything Sir?" nakangiti pero pormal niyang tanong sa akin.
"The book-- I mean yung book na hindi ko nabili last week?" tanong ko dahil medyo nagtaka siya.
Kumunot naman ang noo niya at sandaling may tinignan. Maya maya pa ay hinarap niya uli ako.
"Ah Sir, na benta na daw po." utal at kabadong sagot niya sa akin.
Lalo akong nainis pero umalis nalang ako at pinilit na hanapin ang libro na yo'n. Kung kelan naman kasi may' time saka ka mawawala. Nagmamadali akong pumunta sa shelf kung saan ko nakita yung book.
"Sorry!" biglang usal ko nang may mabangga akong isang babae.
'Oh?'
Napatitig lang ako sa kanya. Umayos naman siya ng tayo at parang walang ganang tumingin sa akin. Tinignan niya pa ang kabuuan ko saka astang aalis ng hawakan ko ang braso niya, taka naman niya akong tinignan pero nilabanan ko yun at wala ring emosyon.
Pumunta kami sa isang cafe tinext ko na rin si Vin para hindi na siya mag abalang maghanap pa sa akin mamaya. Tahimik lang kami hanggang sa dumating ang inorder namin
"Here ma'am, Sir, enjoy your coffee." nakangiting sabi sa amin ng waiter pero hindi namin siya pinansin dahil nakatitig pa rin kami sa isa't isa.
Kanina pa kami nagtitigan pero parang hindi man lang siya nakakaramdam ng ilang sa pagitan naming dalawa. Ako na ang unang nag iwas ng tingin at humigop ng coffee bago muling tumingin ng diretso sa kanya.
"Nice to see you again Ms. Razy" pormal kong bati sa kanya, pero parang hindi man lang siya nagtaka kung bakit at paano ko nalaman ang apelyido niya. Umayos din siya ng upo.
"My pleasure Mr. Prin."nakangising bati niya pabalik sa akin at medyo nabigla din ako. Kung ganon pareho pala kaming nag pa imbestiga sa isa't isa?
How sweet can it be?
"Kilala mo pala ko?" pormal ulit na tanong ko sa kanya. Humigop pa siya ng coffee at walang gana ulit na tumingin sa akin.
"Don't stare at me like that Ms. Razy I'm nervous. Haha. "nakangising biro ko pa sa kanya. Napangisi lang din siya.
"What?" biglang tanong niya.
"What?"takhang tanong ko sa kanya habang nakakunot ang noo.
"Tsk, common sense. " sarcastic niyang tanong na medyo ikinagulat ko.
At dun ko lang nagets ang sinabi niya.
'Fool!'
"I'm sorry, I just wanna ask for what happened yesterday.." diretsong tanong ko sa kanya "Kilala mo ba si Nick?" biglang tanong ko sa kanya.
"Why do you wanna know? I thought you don't care?" sarcastic ulit na tanong niya sa akin.
Aiishh! Ba't ko ba kasi sinabi yung kahapon ehh!
'Badtrip!'
"I'm human too, I think I have a right to worry?"nakangiti munit seryoso kong tanong sa kanya hindi niya naman ako kinibo sa halip ay humigop nalang siya ng coffee niya.
"Kailan ka naging member ng gang nila?" nagulat ako sa biglaang tanong niya at nung iangat ko ang tingin ko ay.
TING!
Nakatingin siya ng diretso sa akin!hindi ko pinahalata na medyo nagulat ako.
"Hm." asta akong nag iisip bago siya sagutin "Bata pa ako non, I can't remember vividly. " kunot noong sagot ko sa kanya.
"Tsk tsk, sasali ka sa isang grupo pero hindi mo alam kung kailan nag umpisa?" pailing iling niyang tugon sa akin.
"How much do you know about me?" direktang tanong niya sa akin.
"Not that much, basics lang, ikaw gaano na rin karami ang alam mo sa akin?" tanong ko pa sa kanya.
"Katulad lang din ng sayo, maliban sa isang bagay." pag putol niya sa sinasabi niya saka humigop ng coffee.
'Anong bagay naman kaya yo'n?'
"If you don't mind, what's that thing?"kunot noong tanong ko.
Hahagya pa siyang napangisi munit seryoso pa rin siya at hindi siya nakatingin sa akin kundi sa kung saan.
"Kung mamalasin ka nga naman oh." biglang usal niya dahilan para mapakunot ako ng noo at dahan dahang tumngin sa tinitignan niya. Just what the fudge.
'
Bakit niya tinitignan sila? "Do you know them?" direktang tanong ko habang nakatingin sa mga kamay ko na nilalaro ko lang.
"Of course, I'm his ex. " direktang sagot niya na lalong nagpagitla sa akin0 At laking gulat ko ng pagtingin ko ay nasabakin na muli ang paningin niya.
"I know kilala mo sila.At ikaw ang ex ng babaeng yon." sabi niya sabay turo kay Aloena!"..tss tadhana talaga." mahinang bulong niya pa na narinig ko naman.
"Ayon ang bagay na alam ko sayo,ang dahilan kung bakit ka sumali sa gang." diretang tugon niya sa akin.
'Alam niya!? Sino ba siya!? Ano ba talaga siya!?'
"Isa ako sa mga matataas na posisyon sa gang na sinalihan mo."dagdag niya na lalong nagpatigil sa akin.
Sa maikling panahon nakilala niya agad kung sino ako?