SINADYA kong pumasok ng maaga sa kuwarto namin dahil si Joseph ay kasama ni Mang Ade na pumunta sa court para manood ng beauty contest. Sa susunod na linggo ay fiesta dito sa baryo. “Bakit hindi ako makatulog?” Muli akong bumangon at lumabas ng kuwarto para uminom ng gatas. Tatlong oras ng wala si Joseph sa bahay. “Baka may nakilala na siyang babae.” Gusto ko sanang gisingin si Aling Tasing para samahan ako na pumunta sa court at sunduin si Joseph. “Kainis talaga! Ang sabi ko sa kanya umuwi siya agad.” Lumabas ako ng bahay at naghintay ako sa may kubo kung sana matatanaw ko kung pauwi na sila. “Basta talaga babae nakakalimutan niyang kasama niya ako.” Hindi ako nakatiis tinatawag ko siya para pauwiin. “Mabuti naman at sinagot mo ang tawag ko!” inis kong bungad sa kanya. “Anong