JORDAN’S POV Panay ang tungga ko ng alak habang mag-isa akong umiinom sa loob ng kuwarto ko. Hindi ko matanggap na nakalabas ng kulungan si Mateo. Hindi ko puwedeng tutulan ang hatol ng husgado na puwede siyang magpiyansa. Wala kasi akong maibigay na mabigat na ebidensya. Mismong si Teressa at mga tauhan niya ang nagpatunay na hindi kasabwat si Mateo sa tangkang pagpatay sa akin. Ilang beses na sinabi sa akin ng abogado ko na matatalo lang kami sa kaso kung ipagpapatuloy namin ang kaso laban sa kanya. Gayunpaman, hindi pa rin ako pumayag sa gusto niya. I heard a soft knock on my bedroom door, but I didn’t open it. A few minutes passed before it opened, and my parents came in. “Mathew!” tawag ni Mommy sa akin. I didn’t bother looking at them. I just kept drinking. “What are you doing?”