Hindi ko napigilan ang sarili ko napaluha habang pinagmamasdan ang bahay namin. Sa wakas, natapos na rin itong ipagawa. Sobrang saya ni Nanay at kapatid ko dahil noong una ay tagpi-tagpi ang bahay namin at nababasa kami tuwing umuulan. Ngayon, kahit umulan ng malakas, siguradong hindi na kami mababasa dahil maganda na ang bahay namin. Sobrang ganda ng bahay namin. Kulay puti at sahig at dingding ng bahay namin. May wood design naman sa loob tulad ng mga pinto at ibang gamit. Bukod sa may kitchen sa loob, may dirty kitchen rin na kung saan magluluto ng mga maamoy na pagkain o kaya maramihan na pagkain. Hindi na rin kami magsisikan sa isang kuwarto kung umulan dahil may apat na kuwarto sa taas at isa naman sa baba. Bawat kuwarto ay may sariling banyo kaya tuwang-tuwa ang kapatid ko. Bukod sa