CHAPTER 60

2050 Words

“Ang ganda ng wedding gown mo,” wika ng kapatid kong si Rease habang nakatingin siya sa wedding gown ko. Nasa hotel na kaming lahat kasama ang pamilya at ibang kamag-anak ko na imbitado sa kasal ko. Ngumiti ako. “Oo, nga ang mahal ng wedding gown ko puwede ka ng makapagpatayo ng bahay at lupa sa presyo na ‘yan.” “Ate, sana makapang-asawa rin ako ng mayaman para maging katulad rin ng sa ‘yo ang kasal ko.” Ginulo ko ang buhok niya. “Huwag mong pangarapin na magkaroon ng mayaman na asawa. Ang pangarapin mo ay makatagpo ka ng lalaking kaya kang bigyan ng magandang buhay, mahal na mahal ka at higit sa lahat nirerespeto ka.” “Sabagay, ‘yung kapitbahay natin nakapangasawa ng mayaman tapos gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ang asawa kaya naghiwalay din sila.” “Swerte ko na lang kay Joseph.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD