ILANG-BESES akong bumuntong-hininga habang nasa biyahe kami at pauwi sa mansyon niya. Bibisitanin namin ang mommy niya ngayon. “Are you okay?” tanong ni Joseph sa akin. Ngumiti ako. “Yeah, I’m okay.” Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil niya ito. “Huwag kang mag-alala tutulungan kita na malaman kung nasaan ang kaibigan mo.” Ngumiti ako. “Thank you.” “Puntahan na natin si Mommy.” “Sige.” Naglakad kami papasok sa loob ng mansyon niya. Nang malaman ng mommy niya na magkasintahan kami. Tinawagan niya ako para imbitahan sa mansyon. Gusto raw niya akong makita. Nakasalubong namin si Aling Josie. “Ma’am Rain, kumusta ka na?” Ngumiti ako. “Rain, na lang po Aling Josie.” “Hinihintay na kayo ni Madam sa kusina. Alam n’yo bang maaga siyang nagising para magluto ng espesyal niyang recipe.”