Chapter 35 Ngumiti si Fabian sinabi na wala ng mas importante pa sa kaniya kung hindi iyong idea na nandito ako. "Sinabi ko sa sarili ko na minsan na kung hindi ikaw ang para sa akin sa buhay na ito— hindi na ako mag-asawa. Walang ibang babae ako na hahawakan bukod sa iyo." Napatigil ako after marinig iyon. Nanginginig na tinago ko ang nga kamay ko sa likod ko habang nakatingin kay Fabian na nakangiting dinampot iyong isang magazine. "Iyon ba reason bakit ganoon na lang pagpa-panic mo kapag nahahawakan ka ng babae?" tanong ko. Napatigil si Fabian then nilingon ako at bahagya ngumiti. Umiling si Fabian. "Hindi," sagot ni Fabian. Nagbago expression nito. Mukhang ayaw nito pag-usapan. Mas lalo ako na-curious pero ayoko pilitin si Fabian kay naman hinawakan ko siya sa braso. "I don't