Chapter 36 "Anong nangyayari?" tanong ni Fabian. Nasa likod niya si Vladimir na kasalukuyang natatakot sa mga taong nakahrang sa gate at kinukuhanan siya ng mga litrato. "Ikaw ang anak ni Sonia Salazar at Victor Valencia hindi ba? Pwede ka ba namin makausap! Isang interview lang!" Sumalubong ang kilay ni France after marinig iyon. Agad sila dinaluhan ng adviser nila sinabihan ang dalawa na huwag muna lumabas. May ilang estudyante naman ang agaw atensyon at lakas ng loob lumabas sinasabi na kaklase nila si Vladimir. "France," ani ni Vladimir hawak ang strap ng bag ni France. Tinanong ni France kung may sundo si Vladimir. "Oo sigurado nasa parking lot na ang driver," ani ni Vladimir after nila pumasok sa room. Ipinatong ni France bag niya sa table at kinuha ang phone niya. "Tawagan