Chapter 37 Noong marinig ko ang ugong ng sasakyan sa labas ay mabilis ko inalis ang suot ko ng apron at lumapit sa pinto. Natutuwa ko na binuksan iyon at nakita ko si Fabian na palabas ng sasakyan. Kita ko naman na pagod ito ngunit agad lumiwanag ang mukha nito as usual after ako makita. "Wife!" Nakangiti ito lumapit at agad ako sinalubong ng yakap. Natawa lang ako at mas niyakap siya ng mahigpit. "Handa na bathtub sa taas at naghanda na din ako ng mga susuutin mo. Alam ko pagod ka. Mag-shower ka na," nakangiti na sambit ko. Bahagya lumayo si Fabian at mabilis ako hinalikan sa labi. Agad ako na nahiya sinabi na nasa sasakyan si Jomari. "Eh ano? Namis kita," ani ni Fabian at parang bata na kiniskis ang pisngi sa pisngi ko. Hinayaan ko lang siya Fabian at hindi na nag-abala na mags