Chapter 10 Mas madami sa inaasahan ko ang pumupunta sa store. Mas madaming estudyante na lahat nasa amin ang atensyon. Nailing ako tapos nagfocus sa ginagawa ko habang kumakain ng chip. "Hindi ka ba gagawa ng assignment mo?" tanong ko kay Vladimir na nakaupo sa harapan ko. May hawak ito na book tapos nagbabasa. Mahilig magbasa si Vladimir na hindi ko alam kung para saan like— hindi umaangat grade niya. Hindi ko alam kung sinasadya niya na pababain ang score niya or talagang mahina lang siya sa academics. Wala naman ako naiisip na dahilan para gawin niya iyon. "Wow, para silang mga fictional character na lumabas sa book. Totoo ba na tao sila?" "Alam mo number? May girlfriend ba?" "Sino diyan boyfriend mo?" Naririnig ko mula doon usapan sa counter. Napakamot ako sa ulo— hindi ak