Chapter 09 Noong nalaman ni tito Hirayu ang nangyari agad sumugod si tito sa school at nagreklamo kasama si Grace. "Mr Hirayu, hayaan niyo kausapin ko ang mga magulang ng mga bata. Hindi sila pwede makick out sa school ng hindi ko mapapakinggan ang totoong nangyari both side." Hawak ni Grace ang laylayan ng suot na sleeve ni Hirayu at sinapo ang noo. "Hirayu, kumalma ka sandali," ani ni dad tapos tinapik ang balikat ni tito Hirayu. "Paano ako kakalma. Ayoko isipin ang mangyayari kung hindi nakatakbo si Grace at hindi siya nakita nina France," may diin na sambit ni tito Hirayu at madilim ang anyo na tiningnan si dad. Napakamot sa ulo si dad at hindi na nagsalita ulit. Naiintindihan namin lahat ang sitwasyon ni tito Hirayu. Si tito Hirayu even hindi niya tunag na anak si Grace inal