Chapter 08 "Kuya!" Napatigil ako 'nong pagbukas namin ni Vladimir ng pinto ng mansion sumalubong sa amin si Steven at Seven na agad yumakap sa amin dalawa. "Bakit?" tanong ko at lumuhod. Nakikita ko paiyak si Seven sinabi na nag-aaway mom nila at dad. "It's so scary. Tinaasan ng boses ni dad si mom." Nagkatinginan kami ni Vladimir. Tumayo ako tapos inutusan si Vladimir na icheck si Bless sa playroom and dalhin iyong dalawang bata. "France—" Tinapik ko balikat ni Vladimir sinabi na mas matanda ako kay Vladimir. "Sisilipin ko lang sina mom," ani ko. Pare-pareho kami hindi napapakali kapag nag-aaway sina mom at dad kahit pa normal lang iyon sa mag-asawa. Naglakad ako pataas ng hagdan. Sa bahagyang nakabukas ang pinto narinig ko sigaw ni mom. "Kaya ayaw mo ako isama kasi may ba