Chapter 07 "Hindi ko alam na kailangan pa natin ng adult para makapasok sa hospital." Napakamot ako sa ulo. Ayaw kami kausapin ng psycharatist ng walang parents and worst— hinihingi pangalan namin. Narinig ko tumawa si Vlad kaya napalingon ako. "Huwag ka tumawa." Hindi kami pwede magbigay ng fake information since need ng ID. Napabuga ako ng hangin. Hindi namin pwede ilapag pangalan namin dahil kilala parents namin at baka magkaroon pa ng issue. Tiningnan ko si Vladimir na hawak ang labi tapos nakatingin sa ibang direksyon. Sinundan ko ng tingin iyong tinitingnan niya. Sa kabilang kalsada may nakita ako ice cream parlor at mukhang iyon ang kanina pa tinitingnan ni Vladimir. "Tara— bumili tayo. Huwag mo lang sasabihin kina mom. Magagalit iyon kapag nagkasakit ka dahil kumain ka