Chapter 13 Hindi ko na napansin ang oras dahil sa energy ni France at Fabian na parang hindi mga napapagod. Wala naman sila ginawa maghapon kung hindi bumili ng mga accessories, bags at shoes ko. Noong pare-pareho na kami nakaramdam ng gutom pumunta kami sa isang restaurant. Agad kami nakakuha ng table dahil nagpa-reserved na nga doon si Fabian 2 hours ago. Malapit kami sa glasswall tapos kitang-kita ko doon ang ibaba ng shop. Nasa third floor kami at base sa pagkakarinig ko vip area ang floor na 'yon at may napakaganda na view. Masyado napalalim ang pag-iisip ko at narinig ko na nago-order si Fabian. Iyong part na walang beans lang narinig ko. Napatingin ako kay Fabian. "Gusto mo ba ng wine?" tanong ni Fabian sa akin. Agad ako na umiling. Nag-order na lang si Fabian ng juice. I