Chapter 12 "How about i-start mo na tawagin ako na Fabian? Sir ka ng sir," ani ni Fabian. Magkaharap kami ngayon sa dining table. Nahihiya na umiling ako. "Hindi pa ako komportable," ani ko na ngayon ay nakayuko. In some reason bigla tumawa si Fabian. "Nahihiya ka pa din? After the we share a kiss and—" Nagulat ako at mabilis na tinakpan ang bibig ni Fabian. Namumula ang mukha na sinabihan ko ito na huwag maingay. Tiningnan ko si France na katabi ang manager. Sinusubukan ng manager si France at mukhang mga wala naman narinig. Hinawakan ni Fabian ang wrist ko at bahagya binaba iyon. "Muntikan mo na matabig ang mug." Napatigil ako then napatingin sa lamesa. Hawak ni Fabian ang mug na nasa harapan ko. Sakto kasi na pag-uklo ko mukhang matatabig ko 'yong mug. "Nagbibiro lang ako