Chapter 11 "Sir Fa—Fabian," mas lalo ako naiyak after makita si Fabian na agad binitawan ang hawak na payong. Walang pagdadalawang isip nito na ibinalot ako sa malaki niya na coat at binuhat na lang ako. Pareho kami basa na ngayon ay naglalakad palayo sa mansion. Hindi ko na nagawa pa maka-react. Hindi ko nga alam kung paano nakauwi ako dahil nakita ko na lang sarili ko na nasa ibabaw ng kama at nakaupo. Inaabutan ako ni Fabian ng maiinom. Dahan-dahan ko iyon kinuha at ikinulong ko iyon sa mga palad ko. Ang lakas ng loob ko na pumunta doon at mataas ang confidence ko na hindi nila ako makikita na umiyak ngunit— lahat yata ng tapang ko parang bula na nawala after ko makita ang anak ko. Bilang ina nakakadurog ng puso makita ang anak mo na umiiyak at tinawag ka. Muli ko naramdaman