Since ang naipalit na maleta ng dalaga ay ang main maleta nito kung saan nakalagay ang kanyang mga damit at underwears ay nawalan siya ng choice na humiram muna ng damit ng lalaki. Pikit mata na lamang niyang isinantabi ang mga nakapatong na briefs ng lalaki at kumuha ng isang puting oversize v-neck shirt nito na halos magmukha ng mini dress sa dalaga. Technically, hindi naman siya pwedeng kumatok sa kwarto ng lalaki na naka-bathrobe lang. Ang iksi-iksi pa naman ng cut ng roba na nasa room niya. Paano na lamang kung may biglang aksidenteng mapadaan na tao mula sa ibang rooms at makita siya sa ganoong suot? Kahit papaano naman ay may pagka-conservative pa rin ito. Isa pa, alam niyang mas magkakaroon ng bigger impact at lasting effect para sa isang lalaki kung makikita niyang suot n

