Matapos ang anpakahabang oras ng biyahe sa ere ay nakarating an rin sa wakas ang tatlo sa Washington D.C. kung saan gaganapin ang dadaluhang summit kinabukasan sa isang malaking coliseum. May isang mahabang limousine kaagad ang sumalubong sa kanila paglabas ng airport. Ito ang sasakyang inihanda ng mga event organizers na sumundo sa mga delegates o mga lalahok sa even bukas. Nanatiling tahimik ang kanilang biyahe sapagkat pare-pareho silang napagod at bahagyang naje-jet lag pa dahil sa sobrang haba ng biyahe mula timog-silangang Asya papuntang kanluraning Amerika. Hindi biro ang oras ng biyahe na inabot nila. “Welcome to the Souire Hotel, ladies and gentlemen. Enjoy your stay!” pambungad ng lalaki sa may front desk habang nakangiti. Nag-usap ng mabilisang ito at si Mr. De

