Kabanata 36

2529 Words
Ilang araw ang dumaan simula noong sumang-ayon si Hariet sa plano ng ginang. Nag-undergo ito ng additional personality and mental training kasabay ang physical therapy nito upang mas magaya niya ang attitude at pag-iisip ng tunay na Dreanara.   She will be copying a very complicated woman kaya kailangan talaga niyang mag-train ng maayos kung ayaw niyang mabuko siya agad-agad ng hindi pa man din nagsisimula ang paghihiganti niya sa kanyang pamilya… at sempre hangga’t hindi pa niya nakukuha ang nais ng ginang na i-achieve niya – ang i-win over amg favor ng chairman at gawin siyang natatangging tagapagmana sa posisiyon nito at hindi sa kabit nito.   For so long as Mrs. Leonora Vragus is alive, hindi niya hahayaang maging masaya ang kabit at anak sa labas ng ama ng lalaking pinakasalan niya. Magpasahanggang ngayon kasi ay malai ang kutob niya na may kinalaman ang mga ito sa pagsabog ng eroplanong kinasasakyan ng kanyang asawa mula sa isang business trip na siyang kumitil sa buhay nito.   At sa recent na pagkaaksidente pa ulit ng kanyang anak ngayong taon… hindi na talaga niya alam kung ano ba talaga ang tunay na nangyayari. She cannot find any clue or evidence to prove her intuition liban na lamang sa malademonyong ngising tinutuon ng babae ng chairman sa kanya kapag walang ibang taong nakatingin.   And if the only way to defeat a devil, is to be one… Mrs. Vragus is willing to join her in hell to avenge her loss and protect her remaining life.   “Bonne Journee madame! Welcome to our designer’s store! Enjoy shopping with our latest premium collections just for you,” maligayang bati ng receptionist sa may entrance ng isa sa sikat na fashion clothing boutique around Brontton.   Binigyan kasi siya ni Mrs. Vragus, na ngayon ay tinatawag na niyang ‘mom’ bilang parte ng kasunduan nila at ng maiwasang mag-spark ng confusion sa mga kasambahay at hardinero sa bahay, ng black card na may unlimited crediting power para mag-shopping ng mga sarili niyang mga gamit.   Nahiya pa nga ang dalaga sa umpisa at tinanggihan ito at ipinilit na gamitin na lamang ang mga pinagluman ng tunay na Dreanara pero hindi pumayag ang ginang. Kung magiging si Dreanara Iris Vragus siya, kinakailangan niya ring maging updated sa mga latest fashion designers’ trends just as her late daughter used to be.   Plus, wala namang ibang pupuntahan ang dami ng pera nila kung hindi rin sa mga ganitong luxurious lifestyle. Tsaka aminin man o hindi ni Mrs Vragus ay nagsisimula na niyang mahalin ang dalagang nakasuot ng parehong mukha kagaya ng kanyang yumaong anak.   Nginitian na lamang ni Hariet ang receptionist bago magtuluy-tuloy sa paglalakad sa may women’s section kung saan mayroong napakahabang hilera ng mga naggagandahang mga damit… blouses, trousers, blazers, cocktail dresses at marami pang iba.   May lumapit na saleslady sa kanya na may tulak-tulak na cloth hanging push cart. Kahit matagal ng hindi bumibisita sa boutique ay kilala pa rin ng mga empleyado ang heredera ng Vragus Empire na noo’y napakadalas mag-shopping rito.   Medyo na-awkward pa nga kunti si Hariet dahil sa babaeng nakayukong bumubuntot sa kanya at naghahawak ng mga damit na matitipuhan niya. Hindi naman siya galing sa mahirap na pamilya, pero never pa talaga kasi niyang ma-try na makahawak ng sariling credit card at mag-shopping sa mga high end na clothing boutique na kagaya nito. Sa kabila ng kunting kaba ay pinilit pa rin niyang panatilihin ang kanyang composure.   ‘Right. Parte lamang ito ng training ko. Hindi dapat ako ma-overwhelm sa isang saleslady na bumubuntot sa’kin,’ tahimik na pagpapaalala niya sa sarili. Ika nga ni Mrs. Vragus, kung maduduwag na siya sa mga maliliit na bagay, paano pa siya makakaharap sa mas malalaking mga pagsubok.   She obviously needs to toughen up. More of the strong, independent and eloquent Dreanara Iris Vragus and less of the sweet and fragile Hariet Fernillo.   At ‘yun nga ang ginawa niya.   Matapos ang halos kalahating oras na pagtingin at pagpili ng mga natitipuhan niyang damit na alam niya ring malapit sa taste ng tunay na Dreanara base sa mga larawang nakita niya sa may family photo album sa kanilang bahay, ay nag-proceed na sila sa fitting.   Isinukat niya ng isa-isa ang mga natipuhan niyang mga outfits at isa-isang chineck ito sa higanteng mirror sa labas ng fitting room kung saan nakatayo pa rin ang saleslady na kinasama niya kanina.   “What do you think?” hindi mapigilang mapatanong ang dalaga na siyang ikinagulat ng mga malalpit na staffs. Hindi naman kasi kumukuha ng approval ang tunay na Dreanara kapag nagsusukat ito.   Tahimik lang nitong tinitignan ang sarili sa may malaking salamin at mag-iisang nagpapasiya kung kukunin bai to o hindi.   Kaagad namang na-realize ni Hariet ang weird na reactions ng mga staffs kung kaya napatanong siya sa saleslady.   “Excuse me, Miss. May I know what’s up with the weird reaction?” inosenteng tanong niya.   Mabilis namang yumuko ang babae upang humingi ng paumanhin. “Sorry po, Miss Vragus. We were not just used with you asking our opinion when you always decide for yourself before,” pag-explain ng saleslady damit ang napaka-polite nitong boses.   Since isang big time at VVIP customer si Dreanara, hindi nila ma-afford na i-offend ito o bigyan ito ng pangit na shopping experience sa kanilang boutique.   ‘Oh gosh! Ganun pala ‘yun. I should have known na mas womanly at independent pala ito kaysa sa akin. Right… I should work on with this too,’ anito sa sarili.   Upang hindi magpahalata na medyo na-caught on worng act siya, ay pumasok na lamang siya sa may fitting room para magpalit ng panibagong outfit.   This time binawas-bawasan na niya ang pagiging overly friendly sa mga staffs. Iba nga naman talaga ang mga mayayaman at maiipluwensiyang mga tao, limitado lamang ang extend ng pakikitungo nila sa ibang tao.   One thing, Hariet learned today is that she should be more uptight, calm and snobbish if possible and maintain safe distance with people. As an heiress to a multi-billionaire empire, she should be less tacky and close with people who doesn’t have a direct relevance on her ultimate goal – to help Mrs. Vragus attain her goal, and also avenge herself from her selfish family.   Matapos niyang masukat lahat ay nagbayad na siya sa may cashier. Next stop naman niya ay ang footwear shop para makapamili ng mga ipapares niya sa kanyang mga nabiling outfit.   Bukas kasi ay lalabas silang dalawa ni mrs. Vragus upang magpa-derma, magpaparlor at magpasalon na rin. May isang mahalagang events kasi silang mag-inang dadaluhan – ang engagement party ng kanyang kapatid at ex-husband nito.   Yeah, since mae-engage nito sa iba, awtomatiko ng magiging wala na silang dalawa. Plus, hindi pa naman ata kasi natapos ang filling of ng marriage certificate nilang dalawa kaya technically hindi pa talaga sila legal na mag-asawa sa mata ng batas kung kaya naman okay lamang na maikasal ulit ito sa iba.   ***   Kinabukasan, kagaya ng inaasahan ay nagtungo nga ang dalawa sa may specialize na beauty salons matapos magtungo sa may derma. Mabilis na tumakbo ang oras hanggang sa gumabi na kung saan kailan tutungo na sila sa Vestria para dumalo sa nasabing engagement party.   “Are you sure you are ready to see them?” maingat na tanong ni Mrs. Vragus nang malapit na sa venue na five stars hotel ang sinasakyan nilang limousine.   Tumango lamang ang dalaga bilang tugon. Hindi niya rin alam ang kasagutan sa katanungang ito.   “I don’t know, mom…” panimula niya gamit ang fake ‘mom’ na katawagan niya sa ginang lalo na sa harap ng ibang tao. Mahirap na kung magkaroon ng hinala ang kanilang family driver. “Maybe time will tell. I mean, I will see it kapag nakaharap ko na sila,” dagdag pa nito.   Hinawakan ng ginang ang kanyang kamay. Alam niyang mahirap ito para sa dalaga matapos ang mga nalaman patungkol sa kanyang pamilya.   “Don’t worry, dear. I will be at your side,” pag-a-assure nito na may mainit na ngiti sa labi.   ‘Right…’   Hindi maiwasang mapangiti rin ng dalaga sa winika ng ginang. Sa wakas, sa loob ng halos dalawang dekadang pamumuhay niya dito sa mundo ay nakatagpo siya ng taong magbibigay sa kanya ng ganitong mataas na pagpapahalaga. Hindi na mahalaga kung ito’y dahil sa kanilang kasuduan, basta’t nararanasan niya ito kahit minsan man lamang sa kanyang buhay.   “I know, mom. Thank you po,” pagpapasalamat ng dalaga rito.   Hindi naglaon ay naramdaman nila ang pagtigil ng sasakyan kasabay ng pagsabi ng driver na nakarating na sila sa may venue.   “Madam Vragus at Miss Dreanara, narito na po tayo,” ani ni kuyang driver na ngayon ay nakasuot rin ng formal na pang-chaueffer na uniporme para i-match ang formal wear ng kanyang mga amo. Well, hindi naman mga basta-bastang tao lamang ang kanyang inihatid dito sa venue kaya need niya ring maging presentable at appropriate para sa event.   Awtomatikong napadungaw sa many tinted na bintana si Hariet upang i-check ang mga tao sa labas.   Jeez! Hindi naman ganoon karami ang mga natipon at wala ring mga media na nakaabang sa may entrance hindi kagaya ng araw ng kanyang kasal noon kung saan halos siksikan ang mga journalists na halos magtulakan na para makapunta sa harapan.   Mas pinili kasi ng mga El Cuangco na gawin na pribado ang pagtitipon na ito upang i-avoid ang posibleng source ng mga issue at mga conspiracy theories nanaman. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng publiko na minsan ng ikinasal si Maxen sa nakababatang anak ng mga Fernillo na pinaniniwalaan nilang nakipagtanan kuno.   May mga pekeng letters kasi na iniwan sa mismong kwarto na pinag-honeymoon-nan nila tapos may mga witnesss raw na nakakitang may ibang lalaki ang sumundo sa dalaga noong madaling araw na iyon. Hindi rin naman kasi nila ma-check ang CCTV footage ng basement parking lot sapagkat nasa blind area ang sinasabing pinag-pick-up-pan ng isang itim na kotse ng binata sa dalaga.   Dahil na rin sa galit at panibugho ay madali na lamang na pumayag si Maxen na muling pakasal sa isa sa anak ng mga Fernillo. For him, if he was cheated on by the younger sister, it would be a good revenge na pakasalan ang kapatid nito.   Right. Sino ba kasing sasaya kapag nalamang mismong kapatid mo ang ipinalit sa iyo? He’s just hurt and felt betrayed like… kung kailan niya naramdamang magseryoso sa kanyang buhay, ay doon naman siya kinagat pabalik ng karma. Siya naman ngayon ang iniwan at linoko.     Or so he thought?   Bumaba si kuyang driver at pinagbuksan ng pintuan sina Mrs. Vragus at Hariet, na ngayon ay kinikilala na bilang si Dreanara.   Yumuko ng bahagya ang driver habang ini-offer ang kanyang kamay na nakasuot ng puting gloves upang alalayan ang kanyang mga madam sa pagbaba sa sasakyan.   Naunang bumaba si Mrs. Vragus, na sinundan naman ni Dreanara.   “Let’s go, sweetie,” ani ng ginang bago magsimulang maglakad sa maiksing hagdanan ng main entrance ng hotel.   “Remember to always keep you cool, Dreanara,” dagdag pa nito na may halong emphasis sa pangalan ng dalaga.   Humugot ng malalim na hininga si Hariet at kinondition ang kanyang sarili. Pumikit siya ng bahagya upang paigtingin ang kanyang puso’t damdamin.   ‘Right. This is it. Afterall the training I had undergone, dapat hindi ko biguin si Mrs. Vragus matapos lahat ng mga ginawa niya para sa akin. I promise not to disappoint her tonight, rather I will prove to her that gone is the sweet and fragile cry baby girl she first met,’ mahabang litanya ng dalaga sa kanyang sarili.   Pagdilat ng mga mata niya ay mapapansin ang tila ba pag-iba ng aura nito mula sa kaninang malamlam at mahinhin patungo sa isang malamig at matapang.   Time to unleash the unstoppable strong Dreanara aura within her just like how fierce and beautiful the face she is wearing now.   Kung sa orihinal niyang mukha bilang si Hariet ay mukha siyang isang maamong anghel, pwes isang kabaliktaran naman sa pagiging Dreanara niya. She looks like a dark fallen angel. Both hot and dangerous to take.   Idagdag mo pa ang sexy at slightly provocative long night dress nito na kulay pula na napapalamutian ng mga Swarovski crystals na manu-manung inilapat sa kanyang damit. One handed tulle dress ito na may pa-slanting na hiwa sa kanyang bewang na sinabayan ng malalim na slanting rin na hiwa ng dress sa kanyang pang-ibaba dahilan para lumitaw ang mahaba nitong biyas.   With her height, she’s already tall for a girl of her age.   Ang designer’s gown niyang ito ay pinaresan niya ng kulay pilak na kumikinang ring six-inches stiletto na mas lalong nagpatangkad ng kanyang overall figure.   Ang kanyang natural na wavy na blonde na buhok ay pansamantalang inunat upang pag-isahin sa isang mataas na voluminous na pontytail (the Ariana Grande and Catriona Gray’s style).   Taas noong bahagyang binilisan ni Dreanara ang paglalakad upang maka-side to side sa paglalakad ang kanyang ina. Kanina kasi ay nasa likuran siya nito sapagkat medyo nagdadalawang isip pa siya sa paghakbang papasok sa loob ng venue.   Binalingan siya ng tingin ng in ana ngayon ay nakangisi. Mrs. Vragus can already tell na nagbunga ang trainings niya sa dalaga. If she had not known about the secret plan ay malamang one hundered percent (100%) talaga siyang mako-convince na ito nga si Dreanara Iris Vragus.   Mula sa pisikal na kaanyuan down to how she carries herself – confident and sure, kopyang-kopya ito ni Hariet.   “Good evening madame, may I have you’re invitation card,” bati ng isang nakangiting lalaki na invitation card verifier na nakatayo sa may paanan ng isa sa mga pillar ng main door.   Kaagad naman itong inabot ng ginang na siyang mabilisang tinannggap ng lalaki.   “You can enter now. Have a pleasant night! It’s in the rooftop floor, my ladies” ngiti-ngiti pa ring anito habang gine-gesture ang kanyang kamay patungo sa loob.   Mabilis itong nginitian ng ginang bago maglakad habang tinapunan lamang siya ng seryosong tingin ni Dreanara. Sometimes kasi talaga the best way to protect yourself from being overly used by others is to make yourself distant as much as possible.   Hariet learned it the hard way. Binigay niya halos lahat lahat ng meron siya, only to receive zero love in return. And she would be very careful in not doing it again as Dreanara Iris Vragus.   Ang magkamali ng minsan ay okay lamang sapagkat tao tayong lahat at nagkakamali rin. Ngunit ang magkamali sa ikalawang pagkakataon sa parehong bagay na pinagkamalian noon ay kahangalan na. Ipinapakita lamang nito na wala tayong natutunan sa una nating pagkakamali.   Tahimik ang main lobby sa baba na tila ba walang ganap sa hotel sapagkat nasa rooftop ang main venue. Mas nakasisiguro kasing walang makakapuslit na paparazzi at mga taga-media kapag doon gaganapin ang nasabing party.   Nagtungo na ang dalawa sa may elevator at ipinindot ang rooftop floor.   Ngunit hindi pa nakakalahati ng floor na tinatahak ay biglang tumunog ang elevator at bumukas ito, hudyat na mayroong makikisabay.   And to the worst luck in the universe… ang taong makikisabay ay ang pinakahuling taong nais niyang makita sa gabing iyon.   It was none other than her ex-husband…   Maxen Rocco El Cuangco…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD