Days passed pero wala ka pa ring kamag-anak na lumapit para i-claim ang hospital bills mo and all the responsibilities to take care of you… that’s why I took you in,” pagtatapos ng ginang sa mahaba nitong salaysay.
Maang na maang naman si Hariet sa narinig. ‘For real ba talagang wala? Maging ang aking ama ay hindi rin ba dumating man lamang para sa akin? What about my mom and sister? Si Mommy Myrna at si Ate Levisha… Hi… hindi ba sila dumating?’ tanong ng dalaga sa kanyang isipan habang prinoprocess pa rin ang salaysay ng ginang.
Dito na nag-unahan ang ilang toneladang luha sa kumarigpas palabas sa mga mata ng kawawang dalaga. Sanay na sanay naman na siya na palaging naiiwan sa bahay kapag nagkakaroon ng family travel ang kanyang mga mgaulang at kapatid, o di kaya’y kung dadaluhan ang mga itong mga business parties. Sanay na sanay siyang naiiwan.
But still, ‘yung hindi talaga nila siya magawang bisitahin at alagaan sa ospital ay sobrang nakakasakit ng damdamin. Tila ba buong buhay niya, nagmahal siya ng mga taong ni katiting ay hindi kayang ibalik ang pagmamahal na buong pusong inaalay niya.
Yinakap siya ni Mrs. Vragus na nagta-try na i-comfort ang nadidismaya at nalulungkot na damdamin ng dalaga.
“Shhhhh… stop tearing up now, young lady,” pang-aalo nito habang maingat na isinusuklay ang kanyang mga daliri sa mahabang kulay gintong buhok nito. Ito rin ang isa sa nagpapalapit ng damdamin niya kay Hariet- ang blonde nitong buhok. Parehong-pareho rin kasing ganito ang kulay ng buhok ng kanyang pinakamamahal na Dreanara.
Kung hindi lamang ito maagang nawala sa mundo, tiyak na masisiyahan itong makilala rin ang napakabait at napakaamong dalagang nandito ngayon sa kanilang bahay. Dreanara might often appear strict and snobbish when she’s working in the company, pero napaka-friendly talaga nitong dalaga sa mga kaedad niya.
It was just since the death of her father; she has to tough it out like a man sa kabila ng pagiging babae niya upang respetuhin siya ng mga kalalakihan at mga nakatatandang shareholders at board of directors sa kompanya kahit na di hamak na bata pa at marami pang kakaining mga bigas. Well, frankly speaking… mas nagiging mas mahirap talaga para sa mga kababaihan ang umangat sa taas kumpara sa mga kalakihan, lalo na sa hindi patas n amundong ito.
Mas lumakas lamang ang paghagulgol ni Hariet sa mga salitang binitawan ni Ms. Vragus. Mas napagtanto kasi niyang tila ba mas may malasakit pa sa kanya ang mga taong hindi talaga niya kadugo o kaanu-ano. Hidni kagaya ng pamilyang kinalakihan niya. The thought alone is just so much to handle with her soft and fragile heart.
“Calm down, Hariet…”
Nang medyo mahimasmasan na ang dalaga ay nagtanong ito.
“Ni wala ho ba talagang dumalaw sa akin matapos nilang malaman ang kalagayan ko?” pagtatanong niya.
Mrs. Vragus wasn’t so sure how to handle the questions since in the first place, Hariet remained an unidentified car accident victim that time… no ID to identify her or whatsoever, wala ring papel ang sasakyang ginamit, kung kaya naman hidni matukoy ang pagkakakilanlan niya. At dahil hindi matukoy ang pagkakakilanlan niya, malamang ay hindi rin nila magawang personal na makontak ang pamilya niya.
Ngunit gayon pa man, pinabalita naman sa mga television ang patungkol sa aksidente at pinasabing kung sino man ang nakakakilala sa biktima ay maaring dumulog sa may ospital o di kaya’y sa pinakamalapit na police station. Impossible namang hindi dumating sa mga Fernillo ang balitang yaon. At impossible rin namang hindi man lang nagpahanap ang kanyang mga kapamilya nang bigla na lamang itong mawala.
In her thoughts, Mrs. Vragus could already guess na there is something fishy about Hariet’s family. She doesn’t know much about the Fernillo sapagkat kung sa tutuusin ay maliit na pangalan lamang ito sa business world kung ikokompara sa mga malalaki at matutunog na pangalan kagaya ng mga Vragus at El Cuanngco. She’ll just employ her private investigator to look on the current status of the said family and anything na may kinalaman sa pagkawala ng isa nilang anak.
With her guts telling her something is wrong, hindi naman niya basta na lamang hayaang bumalik ang dalaga sa puder ng mga ito. Tsaka isa pa may personal na plano rin siya para sa kanyang pamilya. At kagaya ng sinabi niya noon pa man, papapayagin niya ang dalaga na sumunod sa plano niya by hook or by crook.
There are no free goods in the world as they said. Plus, it would be a win win situation. Gagawin niya itong heredera, kapalit ng pagpipigil ng anak sa labas ng chairman na angkinin ang dapat ay para sa kanyang yumaong asawa. Tina-
“Sorry about it, ija,” pakikiramay ng ginang sa paghihinagpis ng dalaga habang yakap-yakap pa rin ito.
“Ma…may se-selpon po ba kayo diyan, Ma’am? Maari po bang makitawag?” pagmamakaawa ng dalaga ngunit hindi ito pinaunlakan ng ginang. Well, not yet. She has to run an investigation first before informing them about her.
Kumalas sa yakap ang ginang at nalakad malapit sa isang aparador kung saan may nakatagong maliit na mirror.
Seeing how straight and composed the young lady’s mind works despite the strains of sleeping for too long, she can already tell na ito na ang tamang oras para ibunyag ang kanyang plano para rito.
Bumalik siya sa may kama ng dalaga at inabot ang maliit na salamin.
At halos lumuwa ang mga mata ni Hariet ng makita ang repleksiyon sa kanyang harapan.
Ang kanyang mga mata… ilong… labi at hugis ng mukha… ay ibang-iba na.
From her deep blue eyes color ay naging dark brown hazel na. Maging ang kanyang pinkish na labi ay tila ba mas naging reddish na kahit na walang lipsticks. Ang kanyang cheekbones ay halata ring nabago. Tila ba tanging ang kanyang blonde na buhok nag hindi nabago sa kanyang kaanyuan.
“A… Anong na-nangyari?” maang nitong tanong.
Dito naman ipinaliwanag ng ginang ang patungkol sa pagkawasak ng kanyang mukha at ang pangangailangan na i-reconstruct itong muli. Since wala naman silang ideya kung ano ang orihinal na itsura niya kung kaya naman tineyk-advantage ito ng ng ginang para sa kanyang plano.
Ini-explain rin ni Mrs. Vragus ang komplikado niyang plano na halatang hindi naman kaagad sinang-ayunan ng dilag. Nagkamali rin kasi ng kalkulasiyon ang ginang. Inakala niya ay isang walang pamilyang tao ang dalagang kinupkop at pinagamot niya sapagkat ni walang lumapit rito noong nakaratay ito sa ospital, only to find out later na anak pala ito ng isang thriving na kumpanya… and what’s worst… she’s actually a daughter-in-law to their rival company – the El Cuangco’s Corporation.
Bilang pagtatanaw ng utang na loob ay binigyan ng pagkakataon ni Hariet ang ginang na mag-conduct ng preliminary investigation sa kanyang pamilya. Bakit wala man lamang kumibo ni isa sa kanila nang maaksidente ito? Alam ba nila nag patungkol sa pagkahulog niya sa bangin o hindi? At kung oo… bakit wala silang ginawa?
Maging si Hariet din namna ay hindi maiwasang magkaroon ng masamang kutob, lalung-lalo na sa kanyang stepmother na nag-instruct sa kanyang lisanin ang kanyang asawa nang gabing iyon at imaneho ang itim na sasakyan sa may parking lot.
Aminado siyang wala sa kanyang driving skills ang naging dahilan ng aksidente kung hindi sa makinarya mismo ng sasakyang minamaheo niya sapagkat bigla-bigla na lamang itong hindi mai-preno at mailiko ng maayos.
Ayaw man niyang pagduduhan ang babaeng itinuring na rin niyang kanyang ina sa loob ng napakahabang panahon, pero hindi rin talaga niya magawang basta na lamang burahin ang doubt na ito sa kanyang isipan.
***
Dumaan ang halos tatlong araw simula nang pinaimbestigahan ni Mrs. Vragus ang mga Fernillo. At sa araw na ito inaasahang mag-report ng taong hin-hire ng ginang sa kanila. Tatlong araw din lang kasi ang pinakamahabang bilang ng araw ang binigay na palugit para rito.
Kasalukuyang nasa may malawak na hardin ng mansiyon ang dalawa… si Mrs. Vragus at si Hariet. Nakagawian na rin kasi nilang tumungo rito upang makapangalap ng preskong hangin at para na rin makapaglakad-lakad ng maayos ang dalaga.
Hindi naman kasi birong makaratay lamang sa isang kama sa loob ng siyam na buwan. From time to time ay bumibisita ang nars upang mag-check-up sa dalaga at magbigay ng mga paalala sa kung ano ba dapat ang ginagawa nito at hindi nito ginagawa upang tuluyang mabawi na ang kanyang lakas.
“Careful, dear,” paalala nng ginang ng medyo mapansing magsegwey ang paa ng dalaga. Nakrecovevr man ang kanyang utak sa mga pangyayari ngunit halatang hindi pa rin ang kanyang pisikal na lakas.
Pagkuwa’y may isang nakaitim na tuxedong lalaki ang pumasok sa hardin na may bitbit na isang brown envelop sa kanyang kanang kamay. Mayroon ring earpiece ang nakasalpak sa isa nitong tenga.
“Good day, Madame. This is the report you asked me to check on,” anito tsaka yumuko bilang paggalang bago tuluyang umalis.
Ito ang house head binatang bodyguard na in-charge sa pag-surveillance ng bahay sa kung ano mang intrusion o panghihimasok na maaring maganap. Nakapagtapos ito sa isang mataas na pamantayan kung kaya naman ay maalam rin ito sa pagdo-double agent at investigator kapag may nais malaman si Mrs. Vragus… kagaya na lamang ngayon.
Habang hindi nakatingin si Hariet, ay mabilis na binuksan ng ginang ang envelop at pinasadahan ng tingin ang narrative report ng imbestigasyon sa pamilya Fernillo.
Nanlalaki ang mga mata niya habang binasa ang nakasaad rito. Ramdam niya ang paghigpit ng hawak niya sa papel dahil sa mga hindi inaasahang nalaman patungkol sa pamilya ni Hariet.
And she totally lost it when she read the last part of the narrative…
‘After the younger daughter of the Fernillo runaway to live with her longtime lover, and meet her death in an unfortunate plane crash and forever lost in the sea, her older half-sister Levisha Fernillo will be marrying the El Cuangco’s heir in two months and produce an heir for the giant rival company.’
Ito ang nakasaad sa huling bahagi.
Tama! Ipinalabas na nakitanan si Hariet sa ibang lalaki kung saan namatay siya habang nasa eroplano nang hindi inaasahang sumabog ito at mahulog sa karagatan.
So funny to think kung saan nagsimula ang kwentong ito… pero ito raw ang kwentong pinapaniwalan sa bahay ng mga Fernillo. And since kakakasal lamang nito sa national TV dahil naka-live broadcast ang El Cuangco Channel sa mismong wedding ceremony ay hindi na ito ipinaalam pa sa media sapagkat hindi magiging maganda ito para sa imahe ng mga El Cuangco.
If this story is true, then ang lalabas na kawawa ay si Maxen Rocco El Cuangco, ang napangasawa ng dalagang sinasabing nakitanan kuno when truth is pinapauwi ito sa kanilang bahay ng kanyang stepmother. Sa ilang araw na pagsasama nila ay ikinuwento na rin ni Hariet ang side of story niya at kung bakit siya nagmamaneho ng madaling umaga na iyon when she should be sleeping soundly in the arms of her wedded man.
They filtered this alleged fact na hindi ma-leak sa publiko kung kaya naman walang ni isang article ang nasulat patungkol dito. And the family mourned in silences… that is if nagluksa nga ba talaga sila sa pagkawala ng dalaga sa pamilya.
Dahil sa dami ng iniisip ay hindi namalayan ng ginang na nahulog na pala niya ang brown envelop na hawak niya dahilan upang magkalat sa sahig ang laman nito.
Mga larawan na nagpapakita ng masayang family dinner date ng mga Fernillo at El Cuangco sa isang restaurant upang pag-usapan ang nalalapit na kasal muli ng isa pa nilang anak sa apo ng matandang chairman ng El Cuangco Corporation. Maging ang sample ng invitation card for the engagement ay naka-include na rin sa may envelop.
***
Narinig naman ng dalaga ang kunting sound ng kung anong nahulog na bagay at sinundan ito hanggang sa makita ang gulat na gulat na ginang na nakatayo at nakatitig lang sa kawalan na tila ba nakakita ng kung anong hindi kapani-paniwala.
Nahagip rin ng mga mata niya ang mga printed photographs at ilang papaless sa paanan nito.
“Mrs. Vragus!” napasigaw siya sa pag-aalala kung ano na ang nangyari sa ginang at bakit ito bigla na lamang nagkaroon ng ganoong ekspresiyon sa kanyang mukha.
Dahil hindi pa as in na makatakbo ng mabilis ay minabuti niyang maglakad ng mabilis sa kinaroroonan nito upang tulungang lipunin ang mga nahulog nitong mga gamit.
Nang makalapit na ay kaagad siyang yumuko upang kunin at ayusin ang mga nahulog…
Ngunit laking gulat niya nang makita ang pagmumukha ng kanyang mom, dad at ate na kasama ang grandfather-in-law niya. Kumakain ito sa isang mamahaling restaurant na animo’y first class at premium na makikita sa mga mamahaling chandeliers at pailaw sa may background.
Hindi niya maiwasang mapangiting makitang masaya pa rin ang kanyang pamilya kahit na wala na siya sa kanilag buhay.
Ang parehong ngiting ito ay kaagad rin namang nawala nang makita niya ang scented paper na naka-fold ng isang beses. Kulay white ito na may halong peach rose petals na prints. May mga golden letterings prints din sa harap nito.
Out of curiousity ay kinuha niya ito at inilapit sa kanyang paningin upang basahin…
At halos hindi kayanin ng kanyang dibdib ang nabasa…
‘Maxen El Cuangco and Levisha Fernillo’s Engagement Party
You are invited’
“E-Engagement?” wala sa isip na pag-uulit niya. Hindi ba’t kakasal lamang nito sa kanya tapos ngayon sa kapatid naman niya?
A…Ano ba talaga ang nangyayari? Gulong-gulo ang isip nito. Hindi niya lubos maintindihan ang lahat.
Dito naman na napabalik sa ulirat si Mrs. Vragus at kaagad na inagaw ang invitation card sa dalaga upang sana iligtas ito sa lungkot at pighati kahit pansamantala lamang. But she was already late.
Nabasa na niya…
Nabasa na ni Hariet ang hindi makatarungang engagement party kuno ng kanyang kapatid at asawa dahil lamang sa nawala siya ng halos siyam na buwan.
Hindi niya alam pero… pero naninikip ang kanyang dibdib. Marahil ay dahil ito sa pinagsamang gulat, lungkot at pagkadismaya. Pakiramdam niya ay tila ba tinalikuran siya ng kanyang pamilya.
Oo nga’t masaya siyang makita silang pawang nakangiti, ngunit hindi niya maiwasang mapagtanto na tila ba parang wala lang para sa mga ito ang pagkawala niya sa kanilang mga buhay. Maging ang kanyang sariling ama na kanyang dugo’t laman ay malaki ang ngiti sa litrato.
At hindi na talaga nagtira ng kunting respeto sa kanya at ngayon pati ang lalaking pinakasalan niya ay aangkinin na rin ng kanyang nakatatandang kapatid.
Realizing that she can’t stop Hariet from knowing the find outs of the investigation, ay kusa ng inabot ni Mrs. Vragus ang narrative report ng kanyang tauhan upang Mabasa niya ito.
“Read this, and you’ll get answers on all your questions,” anito gamit ang seryoso niyang boses.
Gayon nan ga at binasa ito ng dalaga at halos mabiyak sa isang libong piraso ang puso niya sa nalaman. Sa kanyang pamilya pala ay isa siyang traydor, suwail na anak at masamang babae para sa napangasawa nito dahil tumakas raw siya para isa ibang lalake.
And worst! Namatay raw siya!
Hindi na napigilan ni Hariet ang mapahagulgol ng napakalakas. Sobrang sakit… sobrang sakit para sa kanya ang malakas na sampal ng katotohanan.
Buong buhay niya… wala siyang ibang ninais sa bawat minutong lumipas ay ang mahalin at pahalagahan siya ng kanyang pamilya. She did everything she can possibly could at the best of her ability, only to be ruined like this.
“Why?!!!!!!” napasigaw na siya sa sobrang bigat ng pakiramdam.
Mrs. Vragus just watched her pour all her bad sentiments in a loud cry. If ito ang makakapagpagaan ng loob nito, then let it be.
Even as an onlooker, hindi niya rin maiwasang masaktan, malungkot at magalit sa mga Fernillo dahil sa kung paano nila tratuhin ang isa sa anak nila.
“Why would they do this to me?! Bakit? Ba…bakit?!” muling tanong ng dalaga. Ngayon ay mas mahina na ang kanyang boses pero mahihinuha pa rin ang mabigat na aura ng tono nito.
“A-Ano bang mali sa akin? Bakit…” mahinang paghikbi nito. Napasalupaypay na lamang ito sa may damuhan habang umiiyak sa kung paano na lamang mas naging pumangit ang kanyang buhay.
She cried her heart out for almost half an hour until she finally subsided. Tahimik lamang siyang sinamahan ng ginang na awang-awa na sa kanya ngunit walang magawa upang ito’y maibsan.
It’s just so weird for Mrs. Vragus to see the face of her daughter suffer like that. She couldn’t stop thinking how blessed her daughter na siya ang naging magulang nito at hindi ang mga kagaya ng magulang ng kawawang dalaga sa kanyang harapan.
Sa kabilang banda naman ay tila ba may kung anong kakaibang diwa ang nagising sa loob ni Hariet.
‘Come on, Hariet. Iiyak ka na lang ba? Ha? Iiiyak mo na lang ba ang misfortunes ng buhay mo? Would you just let them trample you like that ng paulit-ulit na para bang isang basahan? How could you let people hurt you just so easily when all you give is love?’ ani ng kanyang rational na isipan.
Right.
Napatigil siya sa pag-iyak dahil sa kanyang reyalisasiyon. Walang patutunguhan ang kanyang pag-iyak-iyak lamang.
She is so done being the weak one.
She is so done being the victim.
She is so done being always been the one who cries and get hurt at the end.
‘In fact, pagkakataon mo na ito para bumawi at maghiganti sa pamilyang never ka naman talagang itinuring na pamilya,’ ani pa ng maliit na boses sa kanyang isipan patungkol sa offer na inaalok ni Mrs. Vragus sa kanya na maging impostor ng kanyang yumaong anak.
She can be an heiress of a very, very big company and she can do anything that she wanted.
Right.
Awtomatikong napakuyom siya ng kamao dahil sa gigil at determinasiyong namumuo sa kanyang kaibuturan na ipamukha sa lahat ng mga nang-api at umalipusta sa kanya ang kaya niyang gawin.
Bumuntong hininga siya at tsaka rinelease ang pagkakakuyom ng kanyang mga kamay upang mariing punusan ang mga luhang saganang tumutulo sa kanyang mga mata.
‘Stop crying na, Hariet! Ginagawa mo lang na stupid ang iyong sarili. Bakit ka naman iiyak para sa mga taong hindi worthy ng mga luha mo,’ pagpapa-remind ng kanyang isipan.
Tumayo siya mula sa pagkakalugmok at inayos ang sarili. She’s such a mess for earlier’s drama. Tahimik lamang siyang pinangmasdan ng ginang.
Tumingin ang siya sa kalawan…
“Mrs. Vragus… let’s proceed on your plan. Let me be your daughter, Dreanara Iris Vragus,” malamig na wika nito.
Bahagya mang nagulat ay hindi maiwasang mapangiti ng ginang sa naging pasya ng dalaga. Sa wakas ay nakakuha na rin siya ng kasiguraduhan sa kanyang plano. Plus, she won’t be force to coerce her to join her sapagkat nagkusa na rin ito.
“Kindly train me how to be her,” dagdag pa nito habang nakatingin pa rin sa malayo.
Tumayo ang ginang, linapitan ito at tsaka inilapat ang kamay sa balikat ng dalaga. Dito naman siya nito liningon.
“What made you make up your mind in joining my plan?” seryosong tanong ng ginang.
Halata naman kasing nagdadalawang isip si Hariet nang una niyang binanggit ang patungkol sa kanyang plano. Pero ngayon naman ay sobrang buong-buo ang isipan nito para rito. It just came as a shock to her.
Napaismid ang dalaga at matapang na tinitigan ang mga mata ni Mrs. Vragus.
“I don’t know. Maybe, I wanted to avenge myself from my selfish family,” sagot niya.
“Good answer,” komento ng ginang at tsaka tatalikod n asana upang bumalik sa kanyang inuupuang bench nang muling magsalita ang dalaga.
“Most importantly, maybe I want to feel more like your family…”