Kabanata 34

1347 Words
Knowing na pumanaw na ang unang anak na lalaki ng chairman at tanging babaeng anak na lamang nito ang papalit as legal representative nito sa mana. But in a mad man era, tila ba mas pinapaburan pa rin ang mga kalalakihan. Kung kaya naman dahil may isa pang anak na lalaki ang chairman sa ibang lalaki, may iilang mga miyembro ng board of directors na nais itong suportahan upang maging susunod na chairman ng Vragus Empire. “I mean¸ your guardian. Yes, I’m your guardian for the moment,” mabilis na pambawi ni Mrs. Vragus nang malapit na itong madulas sa pagsasabing siya ang ina nito. Well, ina ng mukhang suot niya ngayon. Tumango naman ang dalaga at gamit ang natitira niyang lakas upang ngumiti bilang pasasalamat. “Ma…maraming salamat po sa pagtulong sa akin,” wika nito na galling sa kaibuturan ng kanyang puso. Ito na marahil ang pinakamahabang pangungusap na kanyang nabigkas simula nang makapasalita ulit siya. Hindi naman maiwasang ma-touch ng ginang sa sincere na gratitude na natanggap niya. Makikita niya kaagad kung gaano kabait ang estrangherang pinatuloy, inalagaan, at pinagamot niya dito sa kanyang puder. She knew na walang kasiguraduhan lahat ng kanyang plano nang kunin niya ang kawawang dalagang ito na lasug-lasog na ang mukha dahil sa aksidente… kung mapapapayag ba niya ito o hindi, o kung qualified ba itong maging impostor ng kanyang anak… pero ngayon, she is starting to tell na hindi siya nagkamali sa kanyang desisiyong sumugal sa bagay na ito. “No worries, dear. It’s part of our nature as humans to help each other,” pagsagot ni Mrs. Vragus. Ngunit sa likod ng kanyang isipan ay hindi niya maiwasang makaramdam ng kunting konsensiya sapagkat alam naman nating lahat na may hidden agenda rin talaga ang kanyang pagtulong rito. Yet again, tears started to fall on the young lady’s eyes. She is touched beyond measure on how a stranger tends to her wounds and needs sa mga panahong hirap na hirap siya at nangangailangan ng tulong at kalinga mula sa iba. Nag-abot ng panyo ang ginang na siya namang tinanggap ng dalaga upang punasan ang tumulong luha sa kanyang mga mata. ‘Gosh! Ba’t ba naakaiyakin ko?’ pakiwari ng dalaga sa sarili. Sa kabilang banda naman ay hindi na makapaghintay si Mrs. Vragus na alamin ang pangalan at tunang na pagkatao at pagkakakilanlan ng dilag na pinatuloy niya kanyang tahanan. Humugot ito ng isang malalim na hininga bago magsalita. “Hmmm my I know your name, dear?” sa wakas ay natanong niya. Dito naman bahagyang natauhan ang dalaga sapagkat kanina pa nagpakilala ang ginang. Lea…Leanora Vragus raw ang pangalan nito, kung tama ang pagkakaalala niya. Ang unfair lang para sa kanya na hindi magpakilala rin pabalik gayong nagsabi na naman ng pangalan ang kausap. Kahit may mga kable pang nakakabit sa kanyang kamay ay napaabot pa rin ito sa likod ng kanyang batok sa bahagyang kahihiyan. “Hariet po… Hariet Fernillo El Cua---” awtomatikong napatigil sa pagsasalita ang dalaga nang magsimulang mag-sink sa kanyang isipan na isa pala siyang bagong kasal bago pa man siya maaksidente. Batid niyang naalala niya ang kanyang pagkabata at pagdadalaga days, maging ang nangyari sa aksidente… ngunit may iilang spots pa rin talaga sa kanyang memorya ang hindi pa lubusang nakakabalik. Unti-unti lamang sumisibol sa kanyang utak kapag may mga nababanggit na bagay na related rito o nakakapag-trigger para maalala niya ang mga ito. Maging ang ginang na kausap niya ay nagulat rin sa naring. “Ha…Hariet Fernillo?” hindi makapaniwalang pag-uulit nito gamit ang sariling dila. Hindi siya makapaniwala kung paano nga naman ka-twisted ang tadhana. Sa lahat ng babaeng maari niyang gamitin sa kanyang plano, bakit ito pang may isang matunog na pangalan sa mundo ng business dahil sa pagpapakasal nito sa kaisa-isang apo at tagapagmana ng El Cuangco Corporation, ang pinakamatidning rival ng Vragus Telecommunication Company ng pamilya nila. “So, you are the El Cuangco’s daughter-in-law?” diretsahang tanong ng ginang. Tumango naman si Hariet. If iyon ang tawag sa mga babaeng naipapakasal, ay ganoon na rin siya. Napakaraming tanong ang gumugulo sa kanyang isipan ngunit hindi niya mahanapan ng lakas ng loob ang sarili na tanungin ito sa natatanging taong nag-stay sa tabi niya since na magkamalay siya. Sa kabilang banda naman ay napaka-critical ng observation ni Mrs. Vragus. Sa mahabang panahon niya sa business world at sa rami ng mga tao at kliyenteng nakasalamuha na niya, natuto na siyang magbasa ng takbo ng utak gamit ang mga ekspresiyong pinapakita nila sa kanilang mga mata. At sa mga oras na ito, batid niya ang kung ano ang nais na itanong ng dalaga na hindi nito matanung-tanong ng diretsahan. Tila ba parte na ito ng personalidad nito ang pagkamahiyain at maingat. Both a beneficial and disadvantengoues traits for someone who would be posing as Dreanara Iris Vragus. “You’re wondering what happened, right?” panimula ng ginang na kaagad na tinanguhan ng dalaga. “But before that, let me brief you about the basics, ija,” dagdag pa nito. “So, you had been unconscious for nine months now since I first found niyo in a public hospital with no relatives and all. All messed and nearly dead…” hindi maiwasang manlambot ang boses ng ginang habang kinekwento ito. “Covered with blood, wounds and bruises… to be honest I thought you won’t make it. I only accidentally saw a glimpse of you noong napadaan ako sa hallway.” Hariet was no blood relative to her or whatsoever, but Mrs. Vragus could not stop a tear from escaping her eye out of pity. “Naalala ko kung paano halos magkagulo ang mga nars at doktor sa pagtatakbo sa iyo sa may emergency room,” dagdag pa nito habang inaalala ang nakapanlulumong pangyayari noong mga panahong iyon. Sakto kasing napadaan siya sa ospital kung saan una ring itinakbo ang kanyang anak na hindi inaasahang maaksidente rin sa mismong lugar kung saan nahulog si Hariet. Aminado siyang maraming aaligid na mga reporters kapag nanatili pa sa pampublikong ospital ang inaasahang heiress ng Vragus Empire. It was only about time na gumawa ng move ang kampo ng kabit ng chairman upang ipakalat ang balita since nagawa nilang pansamantalang patahimikin ang media ng nangyari ang aksidente. Ni isang salaysay ay walang lumabas sapagkat binili na ito lahat-lahat ng ginang bago pa man ito i-upload sa sikat na media outlets at mga local tabloids. And if Leonara Vragus did not move fast ay malamang napagpiyestahan na sila sa ospital ng mga paparazzi at mga taga-media personalities upang makakuha ng sari-sarili nilang mga scoop sa pangyayari. At hindi iyon magandang balita para sa inaasahang magmamana ng isang napakalaking kompanya. Isa pa… nauna na ring napaalalahanan ng mga doktor na napakaliit na lamang ng chnaces na mabuhay ang kanyang anak. At naisin man niyang hindi maniwala ay pilit niyang nagpakatatag at gumawa ng alternative plan kung sakali mang mangyari ang bagay na pinakakinakatakutan niya sa mundo. Ito ay ang mawala rin sa piling niya ang natitira niyang pamilya. Pina-home hospital niya si Dreanara at doon na rin ito huling nalagutan ng hininga… sa kanilang bahay at sa mga braso ng kanyang umiiyak na ina. Bilang proptective move, ay ginawang lihim na lamang ito iilang taong naging kasangkapan upang maayos na ipa-cremate at ipalibing ang mga labi ng heredera ng mga Vragus. Maging ang lolo nitong chairman ay walang kalam-alam sa bagay na ito. Halos mag-iisang buwan ring hindi pumasok sa trabaho si Mrs. Vragus dahil sa pagluluksa. Pinalabas na lamang na nagpuntang Amerika ang mag-ina upang magbakasyon matapos maka-recover ng anak sa nangyaring aksidente. Nang marinig niyang may parehong pangyayari ang naganap sa mismong accident site ng kanyang anak, ay hindi niya maiwasang mangamba at ma-concern sa kung sino nanaman ba ang kawawang magiging biktima ng matayog na bangin na iyon. Mabilis siyang nagtungo sa nasabing ospital na ipinaalam sa kanya ng kanyang sekretarya na may malawak na koneksyon sa city hall at kapulisan kung kaya naman ay updated sa mga pangyayari. At doon na rin nga unang nagkruz ang kanilang mga landas…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD